Part 3

458 21 3
                                    


⊚⊚⊚

(CW: This book contains subject material that may be disturbing or upsetting, including violence or murder.)

⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"But that's way more better than going to jail! You are safer there than in a prison full of criminals and addicts. At hindi natin alam kung anong ibubunga n'on kapag doon ka namin agad ipapasok. Anong mas gusto mo? Pumili ka," tanong sa akin ni Treacher.

Napatungo ako. Nag-aalangang sumagot. "Iyan ba ang sinasabi mong special case para hindi ako makulong?"

"I didn't expect it will come to this either," sagot niya pero hindi ako sigurado kung iyon ang sagot sa tanong ko. "We learned a lot from all your statements, so this is the right thing I know we need to do for your sake. Kahit na masasabi nang isa kang kriminal, tinitingnan pa rin namin ang kapakanan mo. We're trying to help you here."

"Do you really want to help me?"

"Yes, because I believe you didn't intend to kill those people yourself. The trauma you experienced is also a critical matter. At ang kasakiman mo sa pera ay puwedeng maiwasan o matigil ng tuluyan kapag nagpakita ka sa doktor at magkaroon ng nararapat na lunas sa pamamagitan ng counseling o therapy. Ang kailangan mo lang ay gabay. Alam naman naming hindi mo ginustong mangyari ang lahat ng 'to sa iyo. Raven, you're still young. May pagkakataon pa para magbago ka. You have to start over by changing the way you have been doing things in the past."

After that mini counseling session niya ay iniwan na muna nila ako rito sa interview room. He said, bibigyan niya ako ng time para makapag-isip at makapag-decide pero mas lalo lang 'ata akong naguluhan. Tho' nakukuha ko naman ang pinupunto niya.

Kung sa kulungan ang bagsak ko, it is possible na hindi maganda ang madadatnan ko, mapapahamak lang ako roon. Iyon naman kasi mostly ang nababalita. Kahit nakakulong na, may nangyayari pa ring patayan. Alam ko naman na kahit nasa loob na sila ng selda, nakakagawa pa rin sila ng masama. Baka mapagtripan pa ako lalo na kapag malaman nilang ako ang pumatay sa gobernador. At kapag nakakulong na ako, hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataon na magkapera. Kung meron man, hindi pa rin ako magiging ligtas. They can kill me anytime they wanted inside those cells.

Kung pumayag naman ako sa gusto ni Treacher, it is possible na makatakas ako kung gusto ko. Hindi naman siguro ako mabibilanggo, 'di katulad ng mga nakakulong sa mga selda na bantay sarado ka ng mga guwardiya. Kung sa isang psychiatric hospital, maaari naman siguro akong makalabas. Hindi nila 'ko paghihinalaan masyado kung nais kong tumakas. Pero kung nandoon ako, hindi ko alam kung anong posibleng mangyari sa akin.

Oo, nabanggit niyang it's for my sake. Na makakatulong sa akin ang pagpunta ko roon, pero anong klaseng counseling o therapy? Ano iyon? Hindi ba delikado? Hindi naman siguro nila ako ituturing na parang baliw na pasyente. Itong Treacher lang naman nagsasabi na hindi ako mentally stable. Matino pa akong kausap at alam ko ang ginagawa ko.

Being a contract killer is also a criminal thing, but I know myself that I'm not psychotic! I'm not a psychopath!

...

Wily's P.O.V

"Base sa mga statements niya and the way he behave for the last few hours, maybe he has PTSD or the post-traumatic stress disorder. Additionally, it is best to seek professional assistance for his sake," sabi ko kay Detective Camero habang kumakain kasabay na rin ng pagpapahinga matapos ang interrogation kanina. Well, dinalhan kasi ako ni misis kanina ng tanghalian, ang sarap ng ginataang laing at binagoongang baboy tapos ang dami pang kanin na kasama.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon