⊚⊚⊚Raven's P.O.V
Clack. The sound of the door when someone's trying to open it. Mukhang ngayon pa lang ako makakasubok na may makasabay rito 'pag gan'tong oras, ah. Ako pa lang kasi ang tanging sumusolo sa hospital gym ng gan'tong kaaga -- mga alas-sais. Nagkataon lang na nandito si Zariah kahapon at sigurado akong hindi na niya iyon uulitin pa. Kaya nagtataka ako kung sino ngayon ang mangangahas na guluhin ako sa nananahimik kong pag-iisa sa mga sandaling 'to.
Imposible naman kung yung Hunter na iyon ang sisira sa bungad ng napakaganda kong umaga ngayon--
"Raven?"
Gulat akong napalingon sa may pinto nang makilala ko kung kaninong boses iyon. "I-Ikaw?" 'di makapaniwalang tanong ko sa kaniya na kasalukuyang nakatayo sa may pinto. It was Knox.
"I thought you're gone by now," sabi niyang lumapit sa akin rito sa puwesto kong nakaupo sa chest press machine.
"Hinihintay mo lang ba akong umalis bago ka pumupunta rito?" tanong ko.
"Of course not," agad na tanggi niya. "Malay ko bang maaabutan kita rito ngayon?"
"So, you've been coming here every morning at this time too?"
"Hindi. Twice a week lang akong nagpupunta rito. May duty ako araw araw kaya minsan lang ako magkaroon ng time to have a quick workout," sabi niya na nilapitan naman ang spin bike na nasa kaliwa ko lang.
"Bakit hindi kita nakita no'ng nakaraang linggo?" tanong ko.
"Pinapauna lang kita. Ayaw kitang makasabay."
Hah. "Tama nga ako. Hinihintay mo lang talaga akong matapos. But you're unlucky, I'm still here."
"You're right."
Tss. You're right, my ass.
"Akala ko, hindi ka naggi-gym."
"Maraming namamatay sa maling akala," sabi niyang ikinatawa ko. Nakita kong sinimulan na rin niyang mag-warm up muna saglit bago ginamit ang exercise bike.
"Hindi naman kasi halata. Hindi ka naman tinutubuan ng muscle."
"Anong wala? Gusto mo buhatin pa kita para ihagis palabas sa bintana."
"Walang kinalaman 'yang muscle mo sa paghahagis mo sa akin sa bintana. Baka ikaw pa itulak ko pababa sa may bintana eh."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Try it."
"Huwag na. Baka umiyak ka pa," pambu-buwiset ko lalo pero hindi na siya sumagot pa. "May pupuntahan ba si Hunter ngayon?" pag-iiba ko. Baka mamaya, maghihintay na naman ako ng ilang oras sa wala.
"Hindi ko alam. Bakit ba ako ang tinatanong mo? Bakit hindi ka sa kaniya mismo magtanong?" irap niya.
"Syempre, ikaw ang 'trusted' assistant nurse niya. Mas alam mo kung saan siya nagpupupunta kapag aalis siya. Pati yung event na dinaluhan niya kahapon, alam mo pala 'yon. Hindi mo man lang sinabi sa akin nung tanungin kita."
"Hindi ko obligasyon na sabihin sa iyo at wala akong karapatan para ipagsabi lahat ng mga pupuntahan niya. It's his privacy."
Ano bang masama sa pagtatanong ko kung saan nagpunta ang 'appointed psychiatrist' ko?
"Why are you so mean to me, Knox?" wala sa sariling tanong ko.
"I'm not mean, you're just making me annoyed. Magkaiba 'yon."
Naningkit ang mata ko habang pinagmamasdan siya. Naisip kong parang ang unfair ng mundo. "I'm wondering why you're still look cute even when you're like that -- trying to be mean to other people, which makes me wonder why you still haven't gotten yourself a girlfriend."
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
General FictionRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...