⊚⊚⊚Max's P.O.V
"Himala at hindi mo kasama yung dalawa mong kaibigan ngayon."
"Okay lang. Kasama naman kita," nakangiting sabi ko na mahinang pinisil ang baba niya. "Mabuti na nga lang at nakilala kita rito, Winter. Baka naging third-wheel pa ako ng dalawang yun kung saka-sakali."
"Sus. Ang sabihin mo, inggit ka lang sa kanila kaya ka sa akin pumupunta."
"Hindi 'no. Gusto lang kitang makita kaya hinanap kita."
"Then, gusto mong uminom? I know a nice place to spend our night with."
"That'd be fun."
I met Winter a couple of days ago. Nakilala ko siya sa isang meet-up app kung saan nagkataong nasa iisang location lang kami. Sakto rin kasing nandito siya sa resort kasama ang mga kaibigan niya para magbakasyon and she's fine spending time with me until the end of their vacation period. Okay lang din sa akin iyon kaysa naman sa mag-isa akong mamasyal rito kapag yung dalawang kasama ko ay abala sa 'pagliligawan' nila. Pfft. Kung may mangyayari ngang gano'n rito.
Ayaw ko namang makaistorbo sa mga moment nila nang dalawa lang sila kung makikisali ako. Alam ko ring sinadya nilang hindi ako ayain nung mag-snorkeling sila pero okay lang iyon. Basta ba, may mangyayaring progress at hinihintay ko ang time na iyon.
In my case, I'm happy with Winter. Siya ang kasa-kasama ko sa tuwing umaalis ako't iniiwan sina Knox tuwing umaga. She's a year older than me pero hindi halata dahil baby-faced siya. The typical girl na aakalain mong happy-go-lucky lang. Pero may past din pala siya na kailangan din niyang kalimutan kaya siya nag-balak na magbakasyon rito.
Nakuwento kasi niya sa akin ang tungkol do'n nang one time na sabay kaming mag-breakfast dahil inaya ko siya. Inamin niya sa akin na may seven-year boyfriend siya at ikakasal na sana. But on the day of their supposed wedding -- her groom jilted her. That was a month ago, according to her.
Sabi niya, wala siyang kaide-ideya na kayang gawin iyon sa kaniya ng fiancé niya. Sobrang kahihiyan raw ang sinapit niya nang araw na iyon nang hindi magpakita ang groom niya sa simbahan.
"That guy clearly had no intentions of making a commitment," galit na saad niya at panay pa ang pagkuyom ng kamay niya sa mismong harapan ko. "I'm gonna kill that useless bastard."
"You shouldn't waste your time on that man, Win."
Napabuntong-hininga siya. "Alam kong mahal namin ang isa't isa kaya imposibleng ngayon lang niya na-realize na hindi pa pala siya handang matali sa akin. He could've told me that he wasn't ready! Kailangan pa niyang mag-propose tapos 'di rin lang naman pala siya sisipot? He's a damn jerk, Max!" mariing sigaw niya habang nakahawak ng mahigpit sa tinidor na hawak niya.
"Yeah. Yeah. I see that."
And this night, we spent less than four hours drinking and enjoying the view in the rooftop bar. Partying with the loud music provided by a live band.
Hindi ko alam na game din pala siya sa mga gan'to. Well, 'di ko siya masisisi. Heartbroken, eh. She needs something to shift her mind away temporarily by dealing her negative emotions -- to suppress her emotional pain with the help of alcohol.
It's just that she trusted me that easily to accompany her in this type of place. Alone with me.
"Are you alright?" tanong ko sa kaniya nang mapansin kong muntikan na siyang mabuway mula sa kinauupuan niya.
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
General FictionRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...