Part 42

174 7 0
                                    


⊚⊚⊚

Thank you for reading and voting! kiamfil123 ♡⁠˖⁠꒰⁠ᵕ⁠༚⁠ᵕ⁠⑅⁠꒱

⊚⊚⊚

Zariah's P.O.V

"Dahil may atraso ka sa akin, kailangan mo akong tulungan."

"Wala akong atraso sa iyo--"

"MERON!" sigaw ko na sinamaan siya ng tingin saka hinampas ng malakas ang braso niya.

Hindi naman talaga ako galit. Nagkukunwari lang para isipin niyang hindi pa siya naa-absuwelto sa ginawa nila sa akin kanina. Hindi naman iyon big deal. Wala lang, gusto ko lang siyang istorbohin. Iyon ay para rin lambingin niya ako.

Pero ang nangyayari, pinipilit niyang wala siyang ginawang masama-- na totoo naman-- kaya waepek ang paggagalit-galitan ko sa kaniya. Isa pa, alam kong alam na niya na hindi talaga ako galit. Hindi niya lang pinapansin o binabanggit dahil siya rin ang magiging kawawa kapag sinabunutan ko siya ulit.

"Okay," malamig na tugon niya.

Nainis ako sa sagot niyang iyon. Para namang wala siyang pakealam. Paano na lang kung totoo palang galit ako? Wala na ba akong halaga sa kaniya? Hindi na ba niya ako mahal?

"Pfft." 'Buti na lang at napigilan kong tumawa dahil sa kung saan-saan na naman nagtungo ang isip ko. 'Apaka-OA naman nun. Para na tuloy akong baliw dito na nagagalit ta's bigla bigla ring matatawa.

Napatikhim ako nang mapansin kong tinititigan niya ako na parang nako-confused sa akin.

"May lagnat ka ba?" walang ano-ano'y tanong niya na idinampi ang palad niya sa noo ko.

"WALA!" sigaw ko na tinampal ang braso niya. "But I need your help," sabi kong napakapit din sa braso niya agad. "This is something seriously important," diin na diing dagdag ko.

"What kind of help?" tanong niya na mabilis ko ring ikinaseryoso.

"Hmn .. well, this is about Raven. Simula kasi nung malaman kong magpinsan pala kami, parang hindi na siya nagpapakita sa akin. He may have been trying to avoid me, but I'm not sure. Simula kahapon, hindi ko na siya nakausap ulit. If I have offended him in any way that I am not aware of, I want to find it out why and apologize to him.

"Wala kang kasalanan. Maybe all he needs is some quiet time to process what he just learnt about you. The same as what you did."

"Nag-aalala lang ako. Baka ayaw niya na akong kausap. Baka nga siguro dahil ayaw niya akong ituring na pinsan dahil anak ako ng taong bumaril sa mga magulang niya."

Mabilis niya akong hinarap at humawak sa magkabila kong pisngi. "It's not that, okay? Huwag mong isipin 'yan. Raven can't do that. There is no justification for him to dislike you when you done nothing to him."

Bumigat bigla ang dibdib ko sa sinabi niya. "Hindi ko lang kase maiwasang isipin. Kaya gusto ko siyang makausap. Gusto kong malinawan."

"Okay. I'll tell him to talk to you--"

"Wait!" pigil ko na humila sa laylayan ng manggas ng damit niya. "I .. uhm, on second thought, I just want to talk to him over the phone. Hindi pa ako handang harapin siya in person."

"Alright. You have your phone with you, right? Pupuntahan ko siya and then I'll call you."

Tumango ako. "Thanks."

Naghintay ako ng ilang minuto paglabas niya mula rito sa kwarto ko.

Habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan. Nago-overthink, na baka ayaw niya talaga akong kausap at pinipilit pa siya ni Knox na magsalita. I find myself thinking about it constantly, minute by minute.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon