Part 24

235 13 0
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"Hi, Raven! Good morning!"

Napunta ang mga mata ko sa may bungad ng hospital gym nang marinig kong may sumambit sa pangalan ko.

"I knew, I could find you here," dagdag pa niyang lumapit sa akin sa kinauupuan kong bench kung saan ako nagpapahinga. Kakatapos ko lang kasing mag-twenty minute run sa threadmill.

"Bakit mo 'ko hinahanap?" tanong kong pinupunasan ang pawis ko.

Napangiti siya sa tanong ko. "Well, wala kasi akong magawa, kaya hinanap kita. Nagbabakasakaling makikita kita rito kasi ikaw naman ang kilala kong nagigising ng maaga. And Doc Graves told me, you always come here at this hour of the morning."

Medyo napaaga na nga talaga akong nagigising kaya dito ako pumupunta para magpapawis bago ako maligo at kumain ng agahan. Naging daily routine ko na simula no'ng nakaraang linggo. Mabuti nga't ako pa lang ang tao kapag ganitong kaaga ako naririto.

"And what do you want to do, then?"

"I'll take a quick running too while we're do the talking. If you don't mind."

Halata nga, kasi nakasuot na siya ng plain black racerback bra at seamless leggings. Naka-white rubber shoes rin at naka-ponytail ang tali ng buhok.

Hindi na ako umangal pa nang dumiretso siya sa threadmill na ginamit ko rin kanina - dahil naisip kong maganda ring opportunity ito para makausap siya tungkol kay Treacher. Lalo na'y dalawang gabi nang bumabagabag sa isip ko ang tungkol sa nalaman kong pulitikong may apelyidong Treacher din na konektado kay Gov. Cameron.

"Kailan nga pala ulit ang sunod na pagdalaw ni Trea- uhh, ng kapatid mo sa iyo rito?" tanong ko nang makita kong nagsimula nang maglakad mula roon.

"I don't know. Minsan kasi hindi niya ako sinasabihan, yung doktor ko lang ang tinatawagan niya. Kapag pupunta siya rito, bigla bigla na lang siyang dadalaw." Napatigil siya saglit saka muling nagsalita. "But I think, he might visit me today, naalala kong may monthly appointment pala siya sa kaniya ng physician ko tuwing last week ng buwan."

Nice. Magkakasalubong ulit ang landas namin ngayon. Kailangan ko lang siyang abangan ulit sa baba para hindi na naman siya makaalis nang hindi nagsasabi.

"Ang hirap siguro ng araw araw na busy sa trabaho, 'no? Isa ba naman siyang Chief Detective. Siguradong laging puno ang schedule niya. At swerte mong kahit sobrang abala siya sa trabaho niya, nagagawa ka pa rin niyang dalawin nang halos araw araw."

"Syempre naman. Ganoon ako ka-importante. Kaya totoo 'yang sinabi mong napaka-swerte ko dahil nagkaroon ako ng kapatid na katulad niya."

"Maaaring ganyan din ang tingin ng asawa niya sa kaniya. Kahit na laging wala ang kapatid mo sa bahay, pinapakita niya pa rin na mahalaga siya sa kaniya. Alam mo naman na napakadelikado minsan ng trabaho nila, kaya ginagawa niya ang lahat para maging maganda ang pamumuhay ninyo. He may be busy, but he can still make time for her wife when he comes home safe and sound."

"Wife?" tanong niyang nilingon ako nang may pagtataka. "No. Wala pang asawa si Kuya."

"Wala?" nagtatakang tanong ko rin na napakunot ang noo.

"Wala. Matandang binata 'yon. Ang sabi nga niya, sapat na akong karamay niya sa buhay. Hindi niya daw kailangan ang asawa. Ako lang dapat ang babae sa buhay niya," natatawang sabi niya pa.

But he said, he had a wife. That liar.

"Matanong ko nga pala, ano'ng pangalan ng tatay niyo?" tanong ko ulit.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon