Part 15

278 15 2
                                    

⊚⊚⊚

Zariah's P.O.V

"Miss, inumin niyo na itong gamot niyo," magalang na saad sa akin ng babaeng nurse matapos akong kumain.

"Sige. Ipatong mo na lang diyan. Iinumin ko mamaya."

"Sige. But be sure to take it. Do not--"

Tumango ako. "Yes. Yes. I know. I know," sabi ko bago niya ako tuluyang iniwan sa kwarto ko.

It's been two years since my first treatment here. I know myself na nagre-respond naman sa akin ang mga therapies ko at mga medications kaya lang, umi-istrikto sila sa akin these past months. Mas lalo nila akong mino-monitor masyado. And I already know why. He certainly did it again, I'm positive of it.

I've been diagnosed to an eating disorder called anorexia nervosa. So, I'm participating in talk therapies and joining a support group for months now. May mga nutritional counseling and medical monitoring din. Sa ngayon, hindi na gano'n kalala ang mga symptoms but still, patuloy pa rin ang mga treatment ko.

[Anorexia Nervosa: Anorexia nervosa is a serious and potentially life-threatening - but treatable - eating disorder. It's characterized by extreme food restriction and an intense fear of gaining weight. People with anorexia nervosa greatly restrict food and calories sometimes to the point of self-starvation. You can have anorexia at any body size. It is characterized by an obsessive desire to lose weight and a refusal to eat healthy amounts of food for your body type and activity level. © my.clevelandclinic.org]

'Get some enough sleep and don't miss taking your meds. Do a light exercise if you can,' laging paalala sa akin ng doktor ko lalo na eh under recovery stage na raw ako. I'm following all their reminders and it's a good thing dahil finally, mas may freedom na ako kaysa sa dati. I can do whatever I want basta naa-attend ko lahat ng mga sessions ko at naiinom lahat ng gamot araw-araw. I accepted this and committed to recover. I struggled but I know how to fight. And I know, I'm getting better.

The bad thing is .. hindi naging maganda ang gising ko dahil sa nangyari kagabi. I never imagined he talked to me that way. He's too obvious. He doesn't want to talk to me.

FLASHBACK.

Where's Doc Hunter? Kanina pa akong paikot-ikot rito sa second floor hanggang fourth floor, hindi ko siya makita. Minsan na kasi niya akong napagalitan nang minsang nakita niya akong umakyat sa top floor nang mag-isa kaya hindi na ako ulit nagtangka pang pumunta roon. Kaya hinihintay ko na lang siyang bumaba pero maga-alas otso na, hindi ko pa nakikita ni kahit anino niya. I need to talk to him pero mukhang iniiwasan niyang magkasalubong kami. Si Knox kaya? Baka siya, alam niya kung nasaan siya.

Agad akong dumiretso sa nurse station sa ground floor at nagtanong sa isang babaeng nandoon.

"Hi! Nakita niyo ba si Knox? Alam niyo ba kung nasaan siya?" nakangiting tanong ko.

"Oh, ikaw pala miss. Si Knox ba? Sa tingin ko kaka-out niya lang for dinner. Baka nasa cafeteria siya."

"Ganoon ba? Salamat."

Dali dali nga akong nagtungo sa cafeteria na matatagpuan sa pinakalikod na part ng ground floor. Hindi gaanong matao kaya naging madali ang paghahanap ko. Lalo pa't dinig na dinig ko ang boses ng kaibigan niyang si Max, na isa namang playboy-- na halos lahat 'ata ng mga young nurses na babaeng sexy at malalaki ang boobs rito ay mga chicks niya.

"HAHAHAHAHA! Hoy! Huwag kang magpapadala sa inis, pare. Baka magsisi ka sa huli. Pasyente pa naman iyon ni Doc Graves, baka ikaw pa mapahamak niyan."

Sinong topiko nila? Mabilis akong lumapit sa kanila at nakisingit sa kung ano namang pinagtatawanan nila.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon