⊚⊚⊚Raven's P.O.V
"Galing ka na naman ba sa kwarto ni Doc Hunter?" Walang ano-ano'y tanong ni Knox nang makalapit ako sa kaniya.
Nagra-rounds kase siya at saktong namataan ko na nanggaling sa isang kwarto rito sa third floor kaya sinundan ko.
"Huh? P-Paano mo naman nasabi?" Nagtatakang tanong ko. "Saka anong 'na naman' na sinasabi mo diyan?"
Tumawa siya nang nakakaloko. "Amoy na amoy ang pabango niya sa iyo."
"Paano mo alam na ka-amoy ko siya o ang kwarto niya? Nakapasok ka na ba ro'n?"
"Oo. Isang beses. Aksidente pa."
Hindi ko napigilang mapanlakhan ng mata. "Nakapasok ka na rin doon? I-Ibig sabihin .. nakita mo na yung---"
"Yung painting? Oo," kaswal na sagot niya habang may sinusulat sa hawak niyang papel. Tapos ay biglang napangiti sa isang pasyente na nadaanan namin.
"Matagal mo nang alam ang tungkol doon?" Patuloy ko pa rin sa pagtanong.
"Bago ka pa man napunta rito, alam ko nang obsessed na obsessed ang doktor mo sa iyo."
What the fvck? "So, matagal mo na ring alam na weird talaga siya dati pa?" Mahinang tanong ko ulit.
"Anong weird ang ibig mong sabihin?" Tanong niya rin pabalik.
"Na .. na parang gustong-gusto niya akong nakikitang umiiyak."
Literal na napahinto siya sa paglalakad bago ako tinitigan. "Akala ko ba kilala mo na siya?"
"Na ano?"
"Na may pagka-sadista siya," sagot niya na muling naglakad ulit.
"Alam ko na 'yan, matagal na. Malay ko kung may iba pa siyang sakit sa pag-iisip kaya gano'n."
"Well .. actually, may nabanggit siya sa akin dati na may specific raw siyang kink na tinatawag na dacryphilia."
"Kink? Huh? Ano naman iyon?" Pag-uulit ko.
"Dacryphilia. Iyon yung parang natu-turn on siya sa tuwing nakakakita siya ng isang taong umiiyak."
"Meron bang gano'n?"
"Meron. Pero hindi ako sigurado kung napatunayan yung sa kaniya. Baka normal lang talaga na tinitigasan siya kapag umiiyak ka. Ang cute mo raw kaseng umiyak."
Fvck. "Weird nga talaga ng baliw na iyon."
"Wait lang," napatigil siya ulit, "pinapaiyak ka ba niya sa kwarto niya?" Makahulugang tanong niya bigla habang nakangisi kaya nagulat ako. "Heh. Masarap ba siyang magpaiyak?"
"Gago ka ba? Hindi 'no!" Kaila ko.
"Eh, anong ginawa niyo sa kwarto niya at dikit na dikit pa rin ang amoy ng pabango niya sa iyo?"
"Hindi ba puwedeng nag-usap lang kami?"
"Psh," natatawang sagot niya. "Nag-usap daw. Sige, magpalusot ka pa. Kilala ko si Doc Hunter. Sinabi niya sa akin na once na pinasok mo ang kwarto niya .. papasukin ka rin niya."
"Sira ulo!" Sigaw ko na mahinang sinuntok siya sa braso. "Walang nangyaring gano'n nung pumunta ako sa kwarto niya kanina!" Depensa ko.
"Eh, kahapon, meron?"
"Wala!"
Natawa na lang siya habang iiling-iling na dumiretso sa isa pang kwarto.
Sinundan ko siya hanggang sa huling pasyente na pinuntahan niya. At halatang malapit sa kaniya ang halos lahat ng mga nira-rounds niya, especially ay mga bata't matatanda.
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
Aktuelle LiteraturRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...