Part 18

276 13 0
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"I bet, matagal mo nang alam na may lahi palang kurbado iyang sinasamba mong doktor," saad ko kay Knox matapos akong kumain kinaumagahan. Doon ko lang kasi naalala nang sambitin niya mismo ang pangalan niya nang bilinin niya akong inumin ang gamot na naidagdag sa dati kong iniinom. It is prescribed by the only one Mr. Hunter 'a.k.a. baklang baliw' Graves.

"What are you talking about?" tanong naman niyang parang hindi agad na-gets ang sinabi ko.

"Tss. Huwag mo nang ikaila pa sa akin ang totoo tungkol sa lalaking iyon. Inamin niya sa akin mismo kagabi. He's gay."

"At naniwala ka naman agad?"

"Malamang! He's a maniacal pervert doctor, after all. Even worse than that, he attacked me sexually! He tried to kiss me while I'm asleep. And you know what? He kissed me, not just twice but thrice! Ngayon, sabihin mo sa akin na hindi siya bading."

"Dr. Graves kissed you?" gulat na gulat na tanong niya kaya tumango ako ngunit nabura rin agad ang pagkabigla niyang iyon nang mapangisi siya sa huli. "How's his kiss then? How'd it went?" ngingiti-ngiting tanong niya na ikinabuka ng bibig ko dahil hindi ko inaakalang iyon ang maririnig ko mula sa kaniya tungkol sa mga binanggit ko.

"Are you really listening to me? Ang sabi ko-- it's a sexual assault! At tinatanong mo talaga ako niyan?"

"Malay mo naman, nagustuhan mo rin yung halik niya, 'di ba?"

"Hah? Sira ulo! Bakit ko naman magugustuhan? He's a kiss stealer!"

"Swerte mo nga eh! Isang karangalan ang mahalikan ka ng isang tanyag na doktor rito sa Tranquille Sanitarium. Halos lahat kaya ng mga babaeng nurses at ilang patients rito, inaasam ang halik niya tapos ikaw, babalewalain mo lang?"

"Yuck! Anong gusto mong palabasin ngayon? Na dapat ko pang ipagpasalamat ang ginawa niya, gano'n ba? I'd rather die that receive any type of kisses coming from him."

"Ang arte mo! Akala mo naman kung ginto iyang bibig mo. Then, have you had any kisses before?"

"S-Syempre 'no!" agad na sagot ko kahit hindi naman totoo. Ayoko lang magpatalo sa kaniya. "Ako pa ba? Hindi ako katulad mong napakahina sa babae," sagot kong ikinatawa niya.

"Kung babae lang ang pag-uusapan Mr. Raven Ciaran Mallory, marami kami niyan. We can date multiple girls whenever we wanted to -- sa loob man o labas ng sanitarium. The only problem is that, its us who doesn't like them."

"Feelingero! Masyado lang talagang mapangit ang ugali niyong pareho, kaya walang may gusto sa inyo. Iyon ang totoo!"

"Hindi iyon. Hindi mo lang kasi nakikita ang mga good sides namin ni Doc Hunter."

"Good sides, kapal!"

"I'm only telling the truth."

Hah. I never expected na may split/multiple personality disorder din pala ang dalawang 'to o yung tinatawag na ngayong dissociative identity disorder. Noong una, akala mo'y utang ko ang buhay ko o may mabigat akong kasalanan na nagawa sa kanila kaya ganoon sila kahigpit o kasungit sa akin rito tapos ngayon parang ang dali-dali para sa kanila na pagtripan ako't pagkaisahan. They're making fun of me. Paiba-iba sila ng mood bawat araw na minsa'y hindi ko masabayan. Hindi ko sila maintindihan.

...

Tila ang bilis dumaan ng araw dahil mag-iisang linggo na pala ako rito. Kahit na unang linggo palang iyon ay ang dami nang nangyari. Damn. And that truth never fails to annoy me, yeah -- it's because its still the first week! Maraming linggo pa ang kailangan kong lampasan habang naririto ako!

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon