⊚⊚⊚Zariah's P.O.V
"Huy, girl, sino yung lalaking laging naghahatid-sundo sa iyo rito?" Hindi napigilang tanong ng isa sa mga nakilala kong bagong kaibigan rito sa university---si Venellope.
"Boyfriend ko," kaswal na sagot ko habang ngumu-nguya ng granola bars.
Pauwi na kami ng hapon at nagpapalipas lang ng oras dito sa isang kapehan malapit sa parking area ng school.
"Really?" Hindi makapaniwalang sambit naman ni Yvonne na sumiko sa akin kaya muntik ko pang mabitawan ang kinakain ko. "Yung hot guy na nakita kong kasama mo kahapon? Gusto ko nga sana kayong lapitan pero nagmamadali ako. Swerte mo, sis. Sa dinami-dami ng isda sa dagat, nakabingwit ka ng napaka-rare at napaka-poging dolphin."
"Tapos si Zariah yung pufferfish," natatawang sambit naman ni Aster.
"Anong nakakatawa? At bakit naman ako naging pufferfish, aber?" Tanong ko pero iling lang ang sagot niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata pero hindi na niya ako nilingon pa ulit. Baliw talaga 'to.
"Was he a good catch?" Si Addie naman ang sumunod na nagtanong.
"Para sabihin ko sa inyo, hindi siya galing sa dagat. Napulot ko lang siya diyan sa gilid-gilid," birong sagot ko sa kanila bago isinubo ang natitirang granola bar sa bibig ko.
"Saan ba 'yang gilid-gilid na yan nang mapuntahan ni Yvonne? Masyado na kasing maingay 'tong babaeng 'to, kailangan na niya ng may magpapasal sa bibig niya." --- Aster
"I'm interested. Ano bang ipapasal sa akin?"
"Huy!" Sigaw naman ni Ven.
"But honestly, sometimes the best things in life are unexpected finds, right?" --- Addie.
"Tama!" --- Yvonne.
"Basta, mahal ko siya," pagtatapos ko pero mas lalo lang silang nag-react.
"AWWWWWWWWWWWW~ That's sweet~" Halos sabay-sabay na sabi nilang apat.
Napangiwi na lang ako dahil sa lakas ng boses nila. "Ang ingay niyo!"
"I guess that's all that matters, right? As long as you love him and he treats you right, it doesn't matter where he came from. Plus, it's not like you're a perfect catch either, you know." --- Addie
"Huh? Anong sabi mo? Pakiulit nga?" Pabirong nagsalubong ang mga kilay ko pero humagikgik lang siya.
"Don't worry, I'm just messing with you, Zarry. But I'm pretty confident that you know what I meant. He love you more that you know it. You can be a bit of a mess sometimes, and you definitely have your flaws but he cares about you. Maybe that's why you work well together."
Magsasalita pa sana ako pero halos sabay silang napalingon sa likuran ko.
"Oh. Looks like your dolphin is here to pick you up."
Napalingon din ako sa direksyon kung saan sila nakatingin at totoo ngang si Knox ang nakita nila.
Nang tuluyan siyang makalapit sa amin ay ngumiti siya sa mga kasama ko at pasimpleng hinalikan ako sa pisngi.
"Hey there, babe. And hello ladies. You all keeping my girl entertained?"
Nagtinginan lang ang apat na babaeng kasama ko pero alam kong palihim nang nag-uusap ang mga mata nila.
"Loh, loh, loh. 'My girl' daw. Shene-el," rinig kong bulong ni Yvonne habang nagme-make-face.
Sabi na nga ba, eh.
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
General FictionRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...