Part 66

104 5 1
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

A week later.

As I woke up in the morning, I noticed that something feels different. There are small changes in my room, subtle hints that someone had been in my room while I'm sleeping.

Naalala kong hindi ko ginamit ang kumot na bagong palit kahapon pero nakatakip na sa akin paggising ko.

Nakabukas na rin ang kurtina kaya nasisinagan ng araw ang buong kwarto ko. May naglilis ba sa mga iyon o nakalimutan ko lang talagang isara kagabi?

Pero hindi na ako nagtaka pa nang makita kong may naghihintay na isang piraso ng red rose sa may bedside table ko. At isang maliit na gift box na may naka-tape pang maliit na card sa ibabaw. May pumasok ngang multo rito sa kwarto habang tulog ako.

Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama para tingnan ang box.

Simple lang ang pagkakagawa pero elegante ang design niyon. May tali rin na ribbon gawa sa satin.

Dahil na rin sa kyuryusidad ay agad kong tinanggal ang tali at takip non at nakita kong isang chocolate cupcake ang nasa loob. May maliit na kandila at may decoration na candy na hugis party hat sa ibabaw. The scent of chocolate wafts up from the box, filling my nose. Sweet.

I smiled. Marahil, galing ito kay Zariah. Siya lang naman kasi ang mahilig magbigay ng mga matatamis na pagkain sa akin. Ang cute pa.

Binasa ko rin ang handwritten card sa ibabaw--- 'Happy Birthday, angel.'

Eh? Birthday? Napakunot ako ng noo. Wait, anong date ba ngayon?

"October .. thirteenth." Oh. Birthday ko nga. Hindi ko alam.

Sa tagal na hindi ko isine-celebrate ay hindi ko na rin maalala pa. Saka anong purpose kung magbi-birthday lang din naman ako nang mag-isa?

But, wait .. did I just read the word 'angel'? No way. Galing 'to kay Hunter? Kaya pala parang familiar ang pagkakasulat ng greeting sa card. Damn. It's been a while since I received something from him.

I shrugged. "Well, pagkain naman. Sayang din kung hindi ko sa tiyan itatapon. After all, it's my birthday," pagkausap ko sa sarili ko.

I carefully remove the cupcake from the box before unwrapping it from the paper around it and took a big bite. The rich and decadent chocolate flavor is melting on my tongue.

Tatlong kagat lang ay ubos na.

Bumaba ako sa kama para itapon ang nginuya kong papel na nakadikit kanina sa base ng cupcake.

After enjoying his little birthday treat, agad na rin akong naghubad at dumiretso sa banyo para maligo. I took a nice, hot shower and go through my usual morning routine, getting dressed and preparing myself for the day ahead.

I made my way down the stairs, and I quickly noticed something unusual. Again.

Halos lahat ng mga nurse at pasyenteng nadaraanan ko ay ngumi-ngiti sa akin, their gazes filled with anticipation and excitement. As I look around at their smiling faces, a few of them give me knowing grins. It's as if everyone is aware of something that I'm not yet privy to.

"Happy birthday, Raven," bati bigla ng isang matandang babaeng naka-wheelchair na tulak-tulak ng isang nurse.

"Ah." Natangang reaksyon ko. Paanong---

"Ikaw si Raven, 'di ba? Happy birthday!" Nakangiting bati rin ng isang babaeng nakasuot rin ng hospital gown.

"Hello, Kuya! Happy birthday!" Masiglang bungad rin ng isang batang lalaking tumatakbo na may hawak na balloon.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon