Part 14

254 17 0
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"Here, shoot this man in front of you," he handed me a gun. "Kill him. You did intend to exact revenge on us, right, son?"

Nakita kong tumango siya sa akin bago ko nilingon ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Deretso lang ang tingin niya sa akin. Hindi siya gumagalaw. Walang kalaban-laban.

"Kill him, Raven. Shoot him the same way he shot us," itinaas niya ang kamay kong hawak hawak ang baril at itinutok iyon kay Tito Samuel. Pansin kong umiling siyang nakakita sa ginagawa ko. Mas lalo lang nanginig ang kamay ko habang idinidiin ang gatilyo.

"Does he deserve to die?" tila nagdadalawang isip na tanong ko.

"Raven .. he killed me and your mom. You must kill him too. We want peace and justice. You have to help us."

"I .. I don't want it."

"Raven! This is what you wanted! You wanted to kill him! Why are you hesitating? He's already right in front of you! Shoot him!" sigaw niya.

Napailing ako. "No. No, Dad."

"I said, shoot him!"

Napaluha ako dahil sa muling pagsigaw niya. Lalo na nang makita kong tumutulo ng dugo ang side ng ulo niya. "I-I can't--"

"KILL HIM!" Napapikit ako nang makita kong lumuluha na rin siya ng dugo. "RAVEN!"

"No!" pag-iiling ko.

"RAVEN!"

"AYOKO!"

"RAVEN!"

Napamulat ako't napabalikwas nang maramdaman kong may yumugyog sa akin sa balikat. Napabangon ako't ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko. I was short of breath and breathing heavily.

"What's happening? You're having a nightmare," rinig kong boses. Si Hunter.

Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay hindi naalis sa utak ko ang senaryong lumikha sa isip ko sa panaginip. T-That's crazy. Ngayon lang 'to nangyari sa akin. Bakit ko napaniginipan iyon? And .. am I hesitating too?

"Are you okay?" Nabura bigla ang pag-iisip ko nang hawakan ni Hunter ang panga ko.

"O-Oo. Okay lang ako," sagot kong napaiwas ng tingin. Sinusubukang makapagkalma mula sa panginginig. Alam kong nagpapawis na rin ako.

"Tell me the truth, Raven. You're hyperventilating."

"No. No. I'm okay. N-Nauuhaw lang ako," pag-lilihis ko ng usapan. Tinitigan muna niya ako ng ilang segundo bago nagsalita ulit.

"Fine. I'll go get some water. Stay here. I'll call Knox--"

"Huwag na," pigil ko. "Hindi mo na siya kailangang istorbohin. I can manage this. I'm just thirsty."

"Okay. Wait me here." Pag-alis niya ay napatungo ako't pilit na huwag pansinin ang pekeng tao na nakatayo sa malapit ko. Even now, I keep on remembering the look on his face as he shook his head at me and seemed to be pleading for his life.

Nagtaas ako ng tingin sa orasan. 8:05 PM. Nakaidlip siguro ako kanina kaya medyo maaga pa. Napabuga ako ng hangin. What the heck was that, really. It's been a long time since I had a nightmare na may kinalaman sa nangyari noon. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit ganoong senaryo ang nakita ko? Ano ang ibig sabihin nun? Bakit parang may pumipigil sa akin? Hindi ba't iyon naman ang gusto kong gawin? Bakit ako nag-aalangan? Sabagay, panaginip lang naman. It's just that, what surprised me the most is .. si Daddy mismo ang nagtutulak sa akin na patayin si Tito Samuel. Nanghilakbot ako nang maalala ko ulit ang itsura niyang punong puno ng dugo ang mukha.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon