⊚⊚⊚Raven's P.O.V
"Are you gonna kill me?" basag niya sa nakabibinging katahimikan na kanina pang bumabalot sa pagitan namin.
"I hope not," mahinang sagot ko.
"You hope not?"
"May not have a choice," sambit ko na hindi sinasalubong ang mga tingin niya. Hindi ko nga alam kung bakit sinasagot ko pa ang mga tanong niya-- sa puntong 'to na gulong-gulo pa rin ang isip ko dahil sa mga nalaman ko.
"And why is that?" tanong niya ulit.
"I might not be able to save you myself. I wish I could control it after my restraints are removed."
A couple of seconds of silence.
"Naiintindihan ko na may galit ka pa rin sa akin dahil sa ginawa ko. I know it beforehand that it will 'cause you a lot of anger towards me. Pero umaasa ako na maiintindihan mo rin kung bakit ko iyon nagawa."
"Eh, bakit hindi mo sinabi sa akin agad ang tungkol sa kaniya? Why did it take you over ten years to tell me what actually happened at that time? Hinayaan mo muna akong magkasala at magdusa. Hinintay mo lang na ako mismo ang makakita sa kaniya rito--"
"Wala kaming intensyon na ilihim sa iyo ang lahat, Raven. Bata ka pa no'n kaya alam namin na hindi naging madali para sa iyo ang nangyari. Ang lahat ng nakita mo-- ang nasaksihan mo. Kaya mahirap din sa amin na ipaintindi sa iyo ang totoong nangyari dahil hindi biro ang pinagdaanan mo. You're too young that time to witness such crime. We're afraid, it might make your situation worse. Nagkaroon ka ng childhood trauma kaya hindi basta-basta para sa amin ang naging kalagayan mo dahil nakikita naming nahihirapan ka sa pagkamatay ng magulang mo. Hindi namin alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo.
"So, we waited for a right timing after your parent's burial. Inisip namin na mas mabuti kung maghintay muna kami ng mas magandang tiyempo para sabihin sa iyo lahat. I know that even at young age, you will understand pero pinili namin na mas mabuti kung palampasin muna namin ang ilang buwan.
"Ang akala namin noon ay nakakaya mo nang mag-adjust kasama nina Marriah sa bahay nila. At sinusubukan mong kalimutan ang nangyari dahil nalaman namin mismo sa kaniya na ipinagpatuloy mo na rin ang pag-aaral mo dahil sa suporta niya. I thought, unti-unti ka nang nakaka-move-on at pilit ibinabaon sa limot ang lahat pero makalipas lang ng tatlong buwan, bigla ka na lang nawala. At naglaho na parang bula. Nagpatulong si Marriah na hanapin ka pero nakakapagtakang naging untraceable ka. Hindi ka na namin nahagilap pa. At hindi na namin nasabi sa iyo ang totoo."
"Pero nung magkita ulit tayo sa presinto, hindi ka nagpakilala sa akin. Umakto kang hindi mo ako kilala. Ilang buwan iyon pero wala kang sinabi sa akin."
"Kasi nagbago ka na. Hindi na ikaw ang batang nakilala ko noon. Maraming bagay ang nagbago sa iyo kaya pinili kong manahimik muna at gawin ang nararapat. What you need is a medical treatment. Mas kailangan mo ngayon ng maayos na treatment bago ko sabihin sa iyo ang lahat. Hindi ko alam kung anong kaya mong gawin kapag sinabi ko sa iyo agad nang hindi muna pinag-iisipan ang mga maaaring mangyari. Kapag sinabi ko ba sa iyo noon pa, magbabago ang isip mo tungkol sa kaniya? Matatanggal ba ang galit mo nang isang iglap?"
I didn't answer. Pero isa lamang ang tanging sagot do'n. Hindi.
"Bakit hindi siya nakulong? Dahil ba kamag-anak niyo siya?" usisa ko.
"Hindi porke't kapatid siya ng isang gobernador ay hindi na siya dadaan sa tamang proseso. No one is above the law, Raven, and everyone deserves justice," saad niya. "Well, in some cases, may exceptions," habol pa niya sa huli.
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
General FictionRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...