⊚⊚⊚Raven's P.O.V
"What?" tanong ko na sinubukang lumayo para hilahin ang strap na nasa kamay niya mula sa suot ko pero nakita kong pinulupot niya pa iyon sa daliri niya para mas mahigpit ang pagkakahawak niya.
"Follow me," sabi niya na nagsimula nang maglakad.
'Follow me' pero hinihila naman ako. "Saan mo ba ako dadalhin .. Doc?" tanong ko ulit na muntikan ko na namang hindi siya matawag ng 'doc' -- pero hindi niya ako sinagot.
Dumiretso siya sa may hagdan kaya napasunod na lang ako. Naririto kasi kami sa second floor kung saan mahahanap ang opisina ni Doc Xerxes. Nagtaka ako bigla nang tuloy tuloy ang pag-akyat namin papuntang top floor.
"I was planning to remove any scheduled group therapy sessions from your schedule so--"
"Huh? Bakit?" gulat na tanong ko.
"To double the time you need for behavioural therapy."
"Pero okay naman kaninang umaga ah. I was doing fine. May problema ba, Doc?" kunot-noong tanong ko pero hindi niya ako nilingon.
"Nothing. Gusto kong makapag-focus tayo sa iyo mismo. You don't need those anymore. Papalitan ko na lang iyon ng ibang--"
"No! I .. I mean, okay na iyon, Doc. Huwag mo nang palitan," pilit ko dahilan para tingnan niya ako. Nag-isip siya saglit.
"Alright. Maybe, I'll just think of another way. Instead of changing your schedule .. " napatigil siya nang makarating na kami sa tapat ng room 501, " .. I have an idea."
Hinila niya ako papasok sa kwarto bago sinara ang pinto.
"Sit down," utos niya kaya agad naman akong napaupo sa sopa. Pansin kong may hinanap siya sa isang drawer doon pero nakarinig muna ako ng pag-click dahil sa pag-tap ng ID card niya. "You'll wear this," sabi niya bago umikot kaya nakita ko kung ano ang hawak-hawak niya.
Hindi ako agad nakasagot. "I'm gonna wear that?" pag-uulit ko. Para kasing na-bingi ako sa sinabi niya.
"Yes."
"But I'm not a dog to be wearing that," pigil ang sariling makapagtaas ng boses.
"You're not .. but you should." Hindi naalis ang tingin ko sa leather collar na nasa kamay niya. May metal circle lining iyon sa loob at may apat na loops na nakapalibot -- isa sa harap, sa likod at sa magkabilang side niya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang maliit na box na nasa pagitan ng mga loops na iyon. "Stand up."
I hesitated. "What's the purpose of making me wear that thing?"
Pinaningkitan niya ako ng mata. "You're now questioning my orders?" Napaiwas ako ng tingin. "Don't make me repeat myself, Raven. You heard me."
Napilitan akong tumayo at agad naman siyang lumapit. Itinaas niya ng konti ang baba ko saka ikinabit ang collar sa leeg ko. Napalunok ako nang maramdaman kong dumampi iyon sa balat ko. Malamig. Narinig kong is-in-ecure niya iyon sa likod gamit ang maliit na padlock.
Umatras siya ng konti para makita niya ang kabuuan niyon. "That suits you." Nakita kong napunta ang kamay niya sa kaliwang belt loop niya kung saan nakalambitin ang ilan sa mga susi niya. Pero hindi iyon ang napansin kong hinawakan niya kundi ang isang maliit na remote na mabilis niya ring pinindot--!
"AHH!" Napasigaw ako't biglang napaarko ng likod dahil sa naramdaman kong matinding sakit ng kuryenteng dumaloy mula sa collar papunta sa leeg hanggang sa likod ko. Doon ko lang napagtanto na shock collar pala itong isinuot niya sa akin. "Fvck!" sigaw ko bago tuluyang bumigay ang mga tuhod ko.
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
General FictionRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...