Part 8

336 18 2
                                    


⊚⊚⊚

(WARNING: This part contains scenarios which may not be suitable for younger readers. Charet! Babasahin mo pa rin naman kahit may warning na. Anyway, read responsibly. I'VE WARNED YOU!)

⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

Kinikilabutan ako't pinagpapawisan habang nakatitig sa kaniya. Parang may kung anong kumukulo sa tiyan ko dahil sa kaba. Panginginig, tuloy-tuloy na paglunok, mabilis na kabog ng dibdib -- sama sama na lahat. I was like freezed here and paralyzed while standing not far with him. Hindi ko na ma-explain kung anong dapat kong gawin. Tila lumiliit ang distansiya sa pagitan naming dalawa.

Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tumakbo but I think that seems useless. Alam kong sa huli'y maaabutan rin niya ako at sigurado akong mas lalala pa ang mangyayari sa akin kapag mas lalo ko siyang gagalitin.

"N-No. Doc, n-nagkakamali ka ng iniisip. Aksidente ang nangyari. H-hindi ko siya napansin. Ta's nawalan siya ng balanse kaya nahulog siya--"

Agad akong napatigil nang makita kong umigting ang panga niya. Kasunod naman niyon ay ang sunod sunod na mabibilis na yabag ang narinig ko, nagtakbuhan ang ilang mga nurses nang makita nila ang walang malay na Regal sa may baba. Nakita kong may kulay pulang likido ang nagmantsa sa sahig mula sa ulo niya.

"You'll live to regret doing something like this .. again."

Huli na nang mapansin kong hawak na niya ako sa braso at sinimulan na akong kaladkarin papasok sa elevator. Napangiwi pa ako nang mapahigpit niya ang pagkakahawak niya sa akin. Nagsimula na naman akong mag-panic nang makita kong pinindot niya ang number 5 na button nang makapasok kami sa loob.

"I-It's a mistake! It's an accident! Maniwala ka sa akin Doc!" pilit na pagrarason ko.

"Shut your mouth," mariing sabi niyang hindi ako tinatapunan ng tingin.

"I'm telling the truth! Hindi ko siya nakita agad kaya siya nahulog--"

"I'm sick and tired of your words so just shut up!" gigil na hinigpitan niya pa lalo ang braso ko kaya napadaing ako. "Do you really think your excuses will make me believe you? You're still going to claim it was an accident when I've seen it with my own two eyes?" dagdag pa niya.

"You're wrong! Mali ang nakita mo! Mali ang pagkakaintindi mo sa nangyari!"

"Paano ako naging mali? Sinasabi mo bang kalokohan ang mga nakita ko kanina?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabih--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto ng elevator at muli na naman niya akong hilahin palabas. "No. No. No! No! Not there!" sunod-sunod na pag-iling ko nang ma-realize ko kung saan siya dumidiretso. Dadalhin niya ako sa kwartong nakita ko kahapon!

"What are you afraid of? Have you seen the inside of that room that's why you're acting that way?"

Sinusubukan kong pumreno gamit ang mga paa ko para hindi niya ako mahila palapit roon pero hindi ako makapanlaban dahil wala akong pwersa mula sa mga braso ko.

"Ayoko! Stop! Bitiwan mo ako!" sigaw ko pero nakarinig lang ako ng pag-click dahilan para mapasigaw ako mula sa kuryenteng naramdaman sa leeg ko. "FVCK!" I cursed under my breath. Tuluyan na nga akong nawalan ng kontrol, lalo na sa mga tuhod ko. Nasapo niya ako mula sa pagkakabagsak bago ko napansing binubuksan na pala niya ang pinto roon. "N-No," mahinang bulong ko pero naipasok na niya ako't nai-lock na niya ang pinto mula sa loob.

Binitbit niya ako't halos itulak na pinadapa sa isang padded bench na nasa malapit ko. Ngayong nasa malapitan ko na ay saka ko na-realize na spanking bench pala 'to. I tried to kick him lalo na nang makita kong hinihila niya na ang mga nylon straps sa side niyon pero nasundan lang ang kuryenteng dumaloy mula sa suot kong shock collar.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon