Part 21

237 13 0
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"If not, once na magkita kami ulit, ipamumukha ko sa kaniya kung gaano siya ka-malas na nabuhay pa siya, sa kabila ng maruming nakaraan dulot ng mga taong nagluwal sa kaniya. Ba't di na lang din iyon sumamang nagpatiwakal--aray!" daing ko nang malaya niyang pitikin ang tenga ko.

"Naririnig mo ba iyang sinasabi mo?" mabagal ngunit madiin ang pagkakabigkas niya sa mga salitang iyon, indikasyon na galit nga siya. Lalo pa'y nakakasugat ang mga tingin niya sa akin. "Dahan-dahan ka sa pagsasalita, Raven." Saglit akong natahimik. "Walang kasalanan ang taong iyon sa iyo para sabihin mo iyan. Kahit na malaki ang atraso ni Samuel sa iyo, hindi ka na dapat nandadamay pa ng ibang tao na malapit sa kaniya. Tandaan mo 'to, kapag nalaman kong may masamang nangyari sa anak niya, ikaw lang ang sisisihin ko dahil ikaw lang ang may kakayahan na gawin iyon sa kaniya."

Medyo sumama ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguraduhin mo na lang na huwag nang mag-krus ulit ang landas namin."

Pasalamat na lang siya dahil hindi ko na maalala kung sino ang anak nila ni Tita Marriah. Hindi ko na nga rin alam kung lalaki iyon o babae eh. Maski pangalan.

Gayunpaman ay gusto ko siyang makita ulit. Makitang umiyak rin at manginig sa takot katulad ng naramdaman ko noong araw na binaril ni Samuel ang mga magulang ko.

~•~

"Ano, nakausap mo ba si Mr. Treacher kahapon?" tanong sa akin ni Knox nang pumasok siya sa kwarto para kunin ang mga nagamit ko nang damit para ipalaba sa laundry room. Kakatapos ko lang ding maligo at kasalukuyan nang nagpapalit ng panibagong hospital robe at pajama.

Nakakapanibagong dumadami na rin ang gamit dito sa room 501. Ito na kasi ang pinaka-pinapagamit sa akin ni Hunter at hindi na yung nasa baba, sa room 409. Yung mga gamit ko na nandoon pati na rin ang cellphone ay kinonfiscate niya. Nabubuksan ko na rin freely 'tong kwarto ko pero yung ID card na binigay ni Hunter ay para lang sa kwartong iyon at hindi puwedeng ipambukas sa kahit na anong kwarto.

"Oo," simpleng sagot ko saka sinuklay nang marahan ang medyo basam-basa pang buhok ko gamit ang daliri.

"Eh, ano namang pinag-usapan niyo at halos magkanda-baliw ka pa sa paghihintay? Akala mo naman hindi na iyon pupunta rito."

"Basta. Masyadong mahabang usapan. Tinatamad akong magkuwento," saad kong pabagsak na napahiga sa kama ko. "Hindi ba puwedeng mauna na akong mag-agahan? Nagugutom na ako."

"Wala pang 8:30. Ikaw kung gusto mong magwork-out muna sa labas."

"Puwede akong lumabas para mag-jogging?" tanong ko. Simula kasi no'ng idagdag niya ang pagwo-work-out sa schedule ko ay nagustuhan ko na rin. Iyon nga lang ay sa loob lang ng therapy gym puwede at hindi sa labas.

"Itanong mo kay Doc Graves."

"Nasa'n ba siya?"

"Nasa kabila."

"Kabilang-- ano? Kabilang buhay?" pabirong-tanong ko.

"Kabilang kwarto! Sa opisina niya. Sipain kita palabas eh."

Natatawang pinapanood ko siya habang ngali-ngaling ibato sa akin ang mga damit na nasa kamay niya. "May ginagawa ba siya?"

"Wala."

Agad akong napabangon mula sa kama at naunang lumabas sa kwarto. Dumiretso ako sa harap ng opisina niya at nagdalawang isip pa kung kakatok ako o hindi. Pero after ng isang minutong pagtitig ko sa pinto ay napakatok pa rin ako sa huli.

Halos kaka-katok ko lang din nang bigla agad bumukas ang pinto kaya napaatras ako.

"What brings you here, my angel?" nakangiting bungad niya sa akin.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon