PROLOGUE

5K 247 33
                                    

Malakas kong niyugyog si mommy habang nagmamakaawa sa kaniya. Broken hearted ako dahil sa crush ko. May gusto na siya sa iba, paano naman ako? Limang taon na akong nangangarap na mapasakin siya tapos gano'n lang?! Mas lalong tumindi ang panibugho ko.

Ano nga ulit ang panibugho?

Ah, basta sobrang lungkot ako! Pati mommy ko kinukulit ko na. Paano ba naman, kada taon umaamin ako sa kaniya kaso deadma. Wapakels ang kupal! Sa isang taon yata nakaka-anim na pag-amin ako sa kaniya, tangina niya!

“Mom, help me na kasi!” Nakikiusap na sabi ko. Wala pa ring humpay ang pagyugyog ko sa kaniya.

“Saan ba?! Ano ba 'yon?!” Pikon na si mommy.

“Sa crush ko nga! Limang taon na akong nababaliw sa kaniya! Sige na kasi, mom! Ano bang gagawin ko makuha ko lang ang Fire Gabi na 'yon?!”

Napakamot si mommy ng ulo dahil sa kakulitan ko. “Desperada ka na ba talagang bata ka?! Hindi naman ako ganiyan no'ng kadalagahan ko!”

“Hindi mo naman generation ngayon, eh! At saka, mom, love mo naman ako hindi ba?” Nagpa-cute ako sa kaniya.

“Mahal kita pero.... anak naman, ang daming nanliligaw sa'yo diyan, oh!”

“Pakasalan mo sila kung gusto mo, mom! Basta gusto ko si Fire!” Nagmaktol ako na parang bata sa harap niya.

Stress na tumingin sa akin si mommy. Hindi ko maintindihan kung na-aawa ba sa akin si mommy o talagang naiinis na siya sa akin. Mas lalo ko pang tinindihan ang pagpapa-cute ko sa kaniya. Nagpakita si mommy sa akin ng pagsukong tingin.

“Fine! Suggestion ko lang sa'yo 'to I don't know if magwo-work ito,” aniya.

“Ano 'yon?” Interested kong tanong.

“Gayumahin mo.”

“Huh? Gayuma? Mom, wala ng gano'n sa panahon ngayon!” Binabalik na naman ako ng nanay ko sa makalumang panahon!

“Meron pa, may kilala ako.” Tila nagpantig ang tainga ko sa sinabi ni mommy.

“Oh, may kilala ka naman pala, tara na, mom! Puntahan na natin!” Hinila ko siya patayo. Pinigilan niya ako.

“Ayaw ko ngang sumama! Mamaya isipin ng daddy mo sa langit na naghahanap pa ako ng lalaki!” Luh?

“Eh, sino ba 'yang mangkukulam na 'yan?! Magpapasama ako kay Jellian papunta roon!”

Kinurot ako ni mommy sa singit. “Albularyo, gaga! Hindi mangkukulam! Kapag narinig ka no'n yari ka!”

Hinimas ko ang singit ko. “Ang sakit naman, my!” Reklamo ko. I pouted my lips.

“Kapag ginawa mo ang bagay na 'yan, h'wag mo akong sisisihin sa consequences, ha!”

“Wala na akong pake sa consequence! Basta ang gusto ko lang mapunta sa akin si Fire!”

Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Aba, sayang naman ang paghanga at pagsasayang ko ng ganda nang limang taon sa kaniya. Kapal naman niya! Sa akin ka, Apoy! Sa akin ka at hindi diyan sa chipay mong crush!

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon