CHAPTER 30

1.5K 96 99
                                    

HALLEINA'S POV

“And the slut is here, ewww!”

“She really have the guts na pumasok, ha?”

“Nakakadiri siya! Jinowa ang kuya, hinayaang manligaw ang kapatid, yucky!”

“Napanood niyo ba 'yong video na 'yon? Kilig na kilig ang mga tao without knowing na may jowa na 'yong pinag-confess-an ni Fire!”

“Grabe, ako na ang nahihiya para kay Halleina. Hinayaan niya lang na makaalis ang boyfriend niya para makalandi sa crush niya.”

“Ewan ko ba! Akala ko si Colleen na ang pinaka-malandi sa school na 'to may mas hihigit pa pala.”

Tumingin ako sa gawi nila. Isang masamang titig ang pinukol ko sa kanila. Makapanghusga naman ang mga 'to akala mo perpekto. Iba talaga kapag nalalamangan talagang maraming sinasabi.

“Tara na nga! Ang baho rito!”

“Tara na!”

“Kinikilabutan ako kapag nakikita ko siya, kadiri!”

Pahabol pa nila. Hindi na lang ako nag-react. Tumungo ako at bumuntong-hininga ng malakas upang ikalma ang aking sarili. Hangga't maaari ayaw kong maging war freak ngayong kapapasok ko pa lang ulit. Ayaw ko pa naman talaga pumasok dahil alam kong ganito ang mangyayari but mom force me. Gano'n pa rin naman daw ang kalalabasan. Papasok ako ngayon o sa susunod pa, pagchi-chismisan pa rin naman daw ako ng mga marites sa school.

Natigilan ako sa pagbubuntong-hininga ng may bumunggo sa akin. Nang i-angat ko ang ulo ko, nakita ko si Shai. Dere-deretso lamang ito sa paglakad na akala mo walang nakita. Tinawag ko siya at hinabol pero hindi niya ako pinapansin. Binilisan ko ang takbo ko sabay humarang sa harapan niya. Nagsalubong agad ang kaniyang kilay ng makita ako. Parang kahit siya ayaw dumikit sa akin o makita man lang ako.

“Galit ka pa ba hanggang ngayon?” Tanong ko sa kaniya. Tumungo ako upang ipakita na nalulungkot ako.

Instead of answering me, humakbang lang siya pa-abante upang lagpasan ako. Mabuti na lang at naharang ko siya agad.

“May kailangan ka ba sa akin?” Taas-kilay na tanong niya.

“What is wrong with you, Shai?! Ikaw dapat ang kakampi ko sa ganitong sitwasyon pero bakit pati ikaw halos ayaw ng lumapit sa akin?!” Naiiyak na tanong ko sa kaniya. To be honest nasasaktan ako sa kinikilos ni Shai. Hindi ako sanay sa ganitong pakikitungo niya sa akin.

“You are expecting na kakampihan kita kahit alam mong mali ka sa simula pa lang?” She chuckled sarcastically. “Kakampi mo ako palagi, Halleina, palagi akong na sa tabi but not this time. Hindi muna kita kilala, wala muna akong kaibigan na kagaya mo.” Aray! Para akong sinaksak na hindi ko maintindihan.

“You want to end our friendship just because of stupid reason?” Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko.

For me, this is the most painful heartbreak ever. Cutting the ties between us. We are best friend since we were young and I didn't expect na sa ganitong sitwasyon lang, mawawala ang ilang taon naming friendship.

“Yes. I am now signing off as your best friend. Magpakasaya ka sa obsession mo na 'yan!” Naglakad siya palagpas sa akin. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon