CHAPTER 34

1.2K 88 46
                                    

This chapter is dedicated to ange_095 thank you for reading this story!

HALLEINA'S POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Pupungas-pungas akong umupo at agad na kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa table side. Low battery, amp! Nakalimutan ko nga pa lang mag-charge kagabi dahil sa pagod. Masyado akong masaya kagabi. Napangiti ako ng maalala kung gaano kami kasaya ni Fire. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagligo ko sa ulan. Kumusta na kaya si Thaddeus? Malamang naka-uwi na 'yon. Hindi 'yon maghihintay ng gano'n katagal sa akin. Alam naman niya kung pupunta pa o hindi.

“Good morning, mommy!” Masiglang bati ko kay mommy. Kumakain siya ngayon.

“Good morning!” Gumanti siya ng ngiti sa akin. “Kakaiba yata ang aura ng anak ko ngayon, ah! Hmm? Tell me maganda ba ang naging gabi mo?” Her eyes waiting for me to tell what happened yesterday night.

May halong kilig akong tumango. Napakagat pa ako ng aking ibabang labi. Ewan ko ba, kinikilig talaga ako tuwing na-aalala ko ang nangyari kagabi. Para lang akong nanaginip ng napakaganda.

“What's with that smile, huh? Tell me what happened, bilis!” Excited na usal ni mommy.

“Uhm... Saan po ba ako magsisimula?”

“Malamang sa umpisa!” Tumaas ang boses ni mommy sa excitement.

Kinuwento ko na sa kaniya ang nangyari. Hindi ko muna binanggit ang pangalan ni Fire upang ma-surprise siya. Habang kinu-kuwento ko kay mommy, bumabalik din sa isip ko ang nangyari kagabi. Ayaw pa talaga mag-move on ng utak at puso ko. Talagang kakaibang galak ang nararamdaman ko kagabi hanggang ngayon.

“Really?!” Manghang tanong ni mommy. Focus na focus siya sa akin.

I nodded. “I didn't expect he know me well. Akala ko kasi wala siyang pake sa akin. Totoo pa lang gusto ako ni Fire mommy!” Kinikilig na ani ko.

“Wait... you're with Fire?!” Um-echo ang boses niya sa buong kusina. Nanlalaki ang mata niya.

“Opo, bakit po?” Inosenteng tanong ko.

“Oh, dear!” Bigla siyang tumayo at umalis. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin.

Pinili kong hindi na lang pansinin ang expression ni mommy. Humingi ako ng pagkain sa katulong. Nagugutom na ako. Tanghali na ako gumising. Pati pagsubo ko ng pagkain nakangiti ako. Iba talaga kapag in love.

“Ako na po ang maghuhugas ng plato mamaya!” Volunteer ko. Tila nagulat naman sila sa sinabi ko.

“Miss...”

“Seryoso ako! Gusto kong maghugas ng plato!” I pouted my lips. “Bawal po ba?”

“H-Hindi naman....Miss, hindi lang kami sanay.”

“Masanay na po kayo ngayon!” Araw-araw ko na 'tong gagawin.

Masaya kong sinubo ang kanin ang bacon na nakahain sa plato ko. Nang susubo na ako ng pangalawa napapitlag ako sa gulat sa biglang pagsigaw ni mommy. Sa curious ko napatayo ako sabay tumakbo papunta sa kaniya.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon