CHAPTER 21

1.6K 135 34
                                    

HALLEINA'S POV

Kanina pa nakatulis ang aking nguso. Simula nang umalis ako sa bahay hanggang ngayon sa van. Maganda naman ang panahon pero bad trip talaga ako. Ngayon na ang alis ni Thaddeus. Kami ang maghahatid sa kaniya sa airport as he requested. Sinama pa talaga ako. Gustong-gusto niya talagang nakikita ko siyang aalis. Hindi ba niya kayang umalis mag-isa?! Hmp! Nakakainis!

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang dereksyon. Ayaw ko ng tumingin sa kaniya dahil lalo lang tumataas ang init ng ulo ko. Gusto ko tuloy mag-inarte at sabihing "stop the car" pero kasama namin si Fire at mommy niya. Saka na ako mag-iinarte kapag na sa sariling kotse ko na. Nakakahiya pa nga, na sa i-isang van lang kami. Si Fire ang driver namin, na sa tabi niya ang mommy nila tapos kami naman ni Thaddeus na sa likuran nila. Busy pa si mokong sa kaka-scroll sa cellphone niya kaya lalo tuloy umiinit ang ulo ko. Kanina niya pa ako hindi pinapansin. Siguro may magandang babae na pinapanood sa cellphone. Magandang babae means si Colleen.

ARGHHH!

Naiinis talaga ako!

Wala naman akong period ngayon pero iba ang init ng ulo ko. Gusto kong mag-inarte para hindi siya matuloy umalis. Sana may biglang dumating para kidnapp-in kami, charot. Baka pati nanay ko ma-depress kapag nangyari 'yon. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Sa loob-loob ko ayaw kong umalis siya. Gusto ko nandito lang siya sa tabi ko, kung saan nakikita ko siya palagi. I know this is crazy but is this what they called love? Paalis pa lang siya pero nangungulila na ako sa kaniya. Na sa tabi ko pa siya pero pakiramdam ko na sa Palawan na siya and I hate this feelings! Iniisip ko pa lang na mag-isa lang siya sa lugar na 'yon, nag-o-overthink na ako. Paano kung may babaeng gumapang sa kaniya?

I know Thaddeus, he will never ever dare to touch other woman. But I also know other woman. They love touching someone's property. May jowa na lalandiin pa!

“Are you okay?” Nagtanong pa talaga 'to. Akala ko a-asawahin na lang niya ang cellphone niya.

Malamig na tango ang i-sinagot ko. Tumingin ako sa labas. Malapit na, malapit na kami sa airport. P'wede bang paki bagalan ang takbo ng van, please? Ayaw ko pa!

Kinuha niya ang isang kamay ko. Kinulong niya iyon gamit ang dalawa niyang kamay at pinatong sa hita niya. Mula sa kaniyang hita, umakyat ang tingin ko papunta sa kaniyang mukha.

“Be a good girl, okay?” He patted the back of my hand.

I rolled my eyes at him. “Matagal na akong good girl kahit hindi mo pa sabihin.” Pagsusungit ko.

P'wede bang huwag ka ng umalis, Thaddeus?

Pinitik niya ng mahina ang noo ko. He giggled like a child as he saw me pouting my lips.

“Don't miss me, okay? Baka mapa-uwi ako ng maaga kapag tinawagan mo 'ko tapos sasabihin mong miss mo na ako.” Umiwas agad ako ng tingin.

Hindi ka pa nga umaalis miss na kita. Gusto kong sabihin pero pinigil ko ang aking sarili.

“Sinong makaka-miss sa'yo? Ako? Kahit doon pa ka tumira!” Defensive na saad ko. Humalukipkip ako sabay sandal ng likod ko.

Masyado namang asssumero ang lalaking 'to. Alam kong pogi siya pero hindi kaya sapat 'yon para ma-miss ko siya!

Sinubukan niya akong hawakan ngunit umurong ako palayo sa kaniya. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Bahala ka diyan. Umusog siya palapit sa akin kaya umurong na naman ako hanggang sa wala na akong ma-urongan. Deretso siyang tumingin sa mga mata ko. My eyes widened when he grabbed my waist using his one hand while his other hand on my back. I gulped in nervous. Aware akong nandito ang mommy niya pero mukhang nakalimutan niya.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon