CHAPTER 23

1.5K 114 26
                                    

HALLEINA'S POV

Prente akong naka-upo ngayon habang pinapanood sa screen ng cellphone ko si Thaddeus. Kanina lang pinapanood ko siyang kumain ng almusal, ngayon naman pinapanood ko siya habang nakikipag-usap sa isang lalaking panot. Nangingiti ako dahil sobrang attractive niya kahit saang anggulo. Pati yata CCTV nagkakagusto na sa kaniya.

Huwag niyo 'kong tatanungin paano ako nagkaroon ng access sa CCTV ni Thaddeus. Hindi naman ako ang gumawa nito. Basta nagbayad lang ako para mabantayan ko siya tapos, ayon na. Ang astig 'di ba? Magugulat ka na lang next time kasing liit na lang ng alikabok ang CCTV pero halos buong area nakikita. We can't deny the fact that technology growth faster than we are expecting. Lalo na sa Japan. They look like living in 2050 kahit na sa 2023 pa lang tayo ngayon. Ang advance masyado ng technology at talagang hahanga ka ng sobra. I want to go to Japan soon.

“Halleina,” tawag sa akin ni Fire. Papalapit siya sa akin kaya pinatay ko ang cellphone ko.

Baka mahuli niya pa ang ginagawa ko. Kuya nga niya hindi alam ang kalokohan ko na 'to.

“Bakit?” Tanong ko.

“Samahan mo 'ko mamaya. I'm going to buy some new clothes for me and pipili na rin ako ng regalo para kay kuya.”

“Regalo?”

Tinaguan niya ako. “Oo, malapit na ang birthday niya hindi mo ba alam? Sa April 15 na ang birthday niya!” Oh my God!

“Sure!” Pagpayag ko. Hahanap din ako ng p'wede kong ibigay kay Thaddeus. Hindi p'wedeng wala akong regalo sa kaniya.

“Aasahan ko 'yan, ha!” He winked at me. Ang landi talaga ng lalaking 'to. Manang-mana sa kuya niya.

“Oo naman! Para sa kuya mo 'yon kaya sasama talaga ako!”

Binuksan ko ng muli ang cellphone ko. Gano'n na lang ang pagka-dismaya ko ng makitang wala na si Thaddeus sa screen. Hinanap ko siya sa lahat ng sulok pero mukhang wala na talaga siya. Baka lumabas or pumunta ng cr. Sayang, sana pala pinalagyan ko na lang din pati cr niya, ehe!

Katatapos lang ng klase namin ngayon and base sa narinig ko baka hindi raw magturo ang pinaka-masipag naming teacher—pinaka-masipag magbigay ng activities pero tamad magturo, amp!

Nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Fire. Dala-dala niya ang mga gamit niya. Nakangiwi at nagtataka akong tumingin sa kaniya habang inaayos niya ang mga ito. Ng komportable na siya sa palagay niya, umupo na siya at nakangiting tumingin sa amin.

“Anong ginagawa mo diyan?!”

“Umu-upo. Kita mo naman hindi ba?” Pilosopo, amp!

“Alam ko pero... bakit ka lumipat?!” Binibigyan talaga niya ako ng problema.

“I want to seat beside you,” he said. Nangalumbaba siya sa harapan ko. “Ang ganda mo pala.” Nakangiting puri niya sa akin. Malapit ng mapunit ang labi niya sa kakangiti.

“Matagal ko ng alam 'yon, Fire hindi mo na kailangan ulitin!” Pagyayabang ko. Ilang beses ko na kayang narinig ang salitang 'yon kay Thaddeus.

He chuckled softly. Ngayon lang siya tumawa sa akin. Para tuloy akong kikilabutan sa tawa niya. Ewan ko kung kinikilig ba ako o kinikilabutan talaga.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon