CHAPTER 24

1.5K 104 10
                                    

HALLEINA'S POV

Dahil sa punyetang CCTV na 'to hindi na ako makalabas ng kuwarto ko. Nagpapahatid na lang ako ng pagkain sa mga katulong namin. Lalo na ngayong araw, wala talaga akong balak umalis. Kung wala lang talaga kaming pasok mamayang hapon hindi ako aalis.

Kumakain ako ng chips habang nakatingin sa screen ng laptop ko. Pinapanood ko ang bawat galaw ni Thaddeus. Kagabi sabi hindi niya siya aalis ng bahay. Work from home raw muna siya. Sinadya kong gumising ng maaga, ma-una sa kaniya para naman makita ko ang morning look niya. Ang ganda talaga kapag tumaas na ang technology.

“Bakit ang guwapo mo pa rin kahit bagong gising?” Wala sa sariling usal ko habang nakatingin sa kaniya.

Kagigising niya lang at kasalukuyan siyang naka-upo sa kama niya. Kinuha ko ang phone ko at nag-message sa kaniya ng good morning. I saw him smiling na nagpangiti rin sa akin. He replied to that makes my heart pound faster.

Halleina's man ❤️

Bakit ang guwapo mo pa rin kahit bagong gising?

Pouter replied to you
What do you mean, babe?

HAHAHAHA nothing ang guwapo mo lang

How did you know na kagigising ko lang?

Nakikita mo ba ako, babe?

Napalinga siya sa paligid ng kunot ang noo. Natawa naman ako ng malakas. Binaba niya ang phone niya sa kama. Tumingin siya sa CCTV tapos umiling. Ang engot naman ng lalaking 'to. Ang akala ko pa naman malalaman na, hmp!

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng unti-unti niyang itaas ang suot niyang t-shirt. Sa may camera siya nakaharap kaya kitang-kita ko ang hubog ng eight pack abs niya. Sunod-sunod akong napalunok hanggang sa tuluyan na niyang mahubad ang damit niya. Nag-stretching pa siya na nagpalabas sa naglalakihang muscles at biceps niya.

Ang init!

Bakit ang hot mo Thaddeus?! Gusto ko siyang dukutin sa screen kung p'wede lang talaga.

Tumingala siya sa camera sabay kumindat. Hinawakan niya ang garter ng pajama niya sabay dahan-dahang binaba ito. He was bitting his lips while looking at the camera. Does he know?!

Malamang alam na niya!

Akala ko pa naman engot siya kanina nagpapanggap lang pala si gago. Binuksan ko ng todo ang aircon dahil biglang uminit.

“Wala talaga akong maitatago sa'yo, Thaddeus!” Hindi ko mahiwagaan ang tono ng pananalita ko. Nagagalit ba ako o ano.

Kumaway siya sa CCTV sabay kumindat. Is he seducing me? Kung oo, malapit na maging effective.

Napatakip ako ng mata ko ng tuluyan na niyang mahubad ang pajama niya. Una kong nakita ang bukol sa pagitan ng hita niya. Jusmiyo my virgin eyes! Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya lalo akong nataranta. Walang tinginan kong sinagot ang tawag. Bahala na kung sino ito. Unang bumungad sa akin ang malakas niyang tawa.

“Hi, babe, do you like the view?” Tumawa na naman siya. His baritone voice made my butterflies flattered. Pati ang pagtawa niya napaka-sexy pakinggan.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon