CHAPTER 14

1.6K 132 16
                                    

HALLEINA'S POV

Ilang araw ng bumabagabag sa isip ko ang sinabi sa akin ni Fire. Para akong sinaksak ng punyal sa dibdib. He will never like me so I should stop getting his attention. Sinubukan ko naman na dati ang bagay na 'yon pero hindi ko magawa. Talagang na sa kaniya ang atensyon ko. Iniisip ko nga na baka pina-inom niya ako ng gayuma kaya gano'n na lang ang pagkahumaling ko sa kaniya. I love every piece of him. Kahit may kagaspangan ang ugali niya at hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin, hindi ko tinignan na rason ang bagay na 'yon para hindi siya gustuhin.

Noong isang araw, ayon na yata ang pinakamasakit na salitang narinig ko sa buong buhay ko. I know he doesn't like me since I force myself to enter his life. Dahilan ba 'yon para magbitaw siya ng pinakamasakit na salita? Mabuti na lang at tulog ng mga oras na 'yon si Thaddeus. Wala siyang narinig na kahit na ano. Kung nagkataon, hindi lang ako nasaktan kung 'di pati siya. Wala sa bukabolaryo niya ang paniwalaan na may gusto ako sa kapatid niya. He believe that I love him and everything action of mine, there's a reason that I can't tell. Wala pa akong sinasabi sa kaniya pinaniniwalaan na niya ako. Ang hirap niyang saktan dahil hindi rin ako pinatutulog ng konsensya ko.

Haysss!

Napabuntong-hininga na lang ako sa aking isipan. Sumasabay sa lungkot at lamig ng panahon ang mood ko. Ma-ulan at madilim ang panahon. Na sa school ako ngayon, nakalimutan ko pang magdala ng payong. Sa sobrang lakas nga ng ulan nag-short bigla ang power kaya brownout. Lumabas ako dahil natatakot ako sa dilim. Ako lang tuloy mag-isa ngayon sa corridor. Pinanonood ang patak ng ulan mula sa ulap papunta sa semento. Pinanunuod ko ang mabilis na agos ng tubig mula sa alulod ng bubong. Nakayakap ako sa aking sarili. Malamig ngunit hindi ito alintana upang masira ang pag-i-emote ko. Masama pa talaga ang loob ko ngayon.

Dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. I hugged myself tightly as I felt the coldness embracing over my body. Nanginig akong bigla sa lamig. At that moment, I felt someone hugged me behind. I stunned in shock but recovered after a few seconds. Kilala ko ang amoy na nagmumula sa likuran ko. Sa araw-araw kong pagsama sa kaniya, kabisado ko na ang amoy niya.

“Thaddeus! Ano ba?! Baka kay makakita sa atin!” Naiilang na saway ko sa kaniya. Tinitignan ko ang paligid. Baka may biglang dumaan at makuhaan kami.

“Just giving you warm. I saw you shivering kaya niyakap kita.”

“Nilalamig ako, oo pero hindi ko sinabing yumakap ka ng walang permiso ko!”

“Oh! Sorry, hihi!” Umalis siya sa likuran ko. Hinarap ko siya.

Basa ang dulo ng kaniyang pantalon. Hinubad niya ang suot niyang jacket tapos sinuot ito sa akin. He make his palm warm using his breath. Nang may init na ang kaniyang kamay inilagay niya ito sa magkabilang tainga kong nanlalamig na rin.

“Stay warm, babe. Baka magkasakit ka,” concern na sabi niya. Muli niyang nilagay ang kaniyang kamay sa bibig niya.

“Hindi mo naman kailangang gawin 'yan.” Humarap akong muli. “Hindi naman ako sakitin gaya ng iniisip mo.”

“Tss! I know! Pero, maganda na rin na safe ka. Kaya nga pumunta ako rito to check you. Brownout ngayon, you're afraid of dark. I rush myself here to make sure that you're fine.” Naagaw ng sinabi niya ang atensyon ko.

Paano niya nalaman?

With question on my face, I looked at him. Nakatingin lamang sa akin ang inosente niyang mukha. Malakas akong napatili na nag-echo sa buong corridor ng dahil sa napakalakas na kidlat. Thaddeus grabbed. Sinubsob niya ang ulo sa kaniyang dibdib sabay mahigpit akong niyakap. His one hands patting my head while his other hand hugging me tightly. Sinubsob ko pa lalo ang aking ulo ng may isa pang malakas na kulog.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon