CHAPTER 44

1.4K 101 12
                                    

This chapter is dedicated to Yanna_niStell, Dark_bl00d, and bubblexie thank you for reading this story!

HALLEINA'S POV

Sino nga bang tanga? Syempre ako! Sabi ko hindi ako papayag na maging kaibigan ako ni Thaddeus pero heto, naghihintay ako sa sinabing niyang babalikan niya ako at kukumbinsihin na maging kaibigan niya. Ilang araw na rin ang nakalipas. Naiintindihan ko na busy sila dahil graduating na sila. May mga thesis na silang inaasikaso at bukod pa roon, marami na silang outdoors activities. No'n nakaraan nakita ko siyang nag-post ng picture na nagta-trabaho sila sa construction site. Syempre, for the heart ang person kasi ang guwapo niya kahit super pawis siya sa picture.

Namamangha pa rin ako sa ka-guwapohan ni Thaddeus hanggang ngayon. Ang sarap niyang i-grab sabay i-kiss. Sinampal ko ang bibig ko. Kung ano-ano na naman ang na sa isip ko. Kasalanan talaga ni Thaddeus 'to.

"Ang tanga mo naman kasi! Kung hindi mo tinanggihan ang offer ni Thaddeus, eh 'di sana happy ka na ngayon!" Ayan na naman ang mapanermong bibig ni Shai.

Pinahaba ko ang nguso ko. "Kasalanan ko bang ayaw ko ng hanggang friend lang?!" Gusto ko higit, anong magagawa niya?

"Ante, lahat nagsisimula sa friend kaya umayos!"

"Gano'n ba 'yon?" I queried.

"Oo, tanga!" Bulyaw niya sa may tapat ng tainga ko.

"HINDI KO NAMAN ALAM! Malay ko ba na sa friend pala nagsisimula 'yon, hindi ko pa naman nararanasan 'yang friends to lovers 'no!" Ginayuma ko kaya si Thaddeus tapos si Fire naman niloko ako. Anong alam ko sa magandang flow ng pagkakaroon ng boyfriend?

Nalungkot ako lalo. Gusto ko na lang maging patatas tapos gawin na lang nila akong french fries tutal masarap naman ako. Kinalabit na naman ako ni Shai. Hindi talaga nananawa ang dalawang 'to na kalabitin ako. Pa-simple siyang sumenyas sa may pinto kaya naman napatingin ako. Kita kong pumasok si Fire, unang tapak pa lang niya pinagbubulungan na siya. Nalaman na kasi ng buong campus ang ginagawa nila ni Shiera. Hindi ako ang nagpakalat pero nakaka-siguro ako na isa 'yon sa mga kasama namin sa loob ng principal's office.

Tumingin siya sa gawi ko sabay umirap. Siya pa talaga ang may ganang magtaray siya na nga itong suspended ng ilang week. Iba talaga kapag matapobre, kahit nagkamali na siya, siya pa ang magyayabang.

"Tingin mo ba buntis na si Shiera?"

"Huh? Bakit naman?"

"Syempre, imposible namang walang nangyayari sa kanila ni Fire 'no!"

Tama nga naman.

"Malay ko, basta nakakadiri si Fire. Ang sarap niyang i-phase out!"

"Balita ko nga sinabihan daw niyan si Halleina na low class. Parang akala mo naman hindi pang-low class ang ginawa nila mag-jowa, yuck!"

"Tapos na ba kayo?" Mataray na tanong ni Fire sa dalawang na sa unahan ko.

"F-Fire..." Gulat na usal nila.

"Masyado ka namang affected, Fire. Huwag mo namang patunayan na totoo ang sinasabi nila, oy!" Pang-aasar ko. Umigting ang kaniyang panga. Malamang napipikon na siya.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon