CHAPTER 39

1.3K 80 4
                                    

HALLEINA'S POV

Namamaga ang mata ko nang magising ako. Puzzle pa rin sa akin kung paano ako naka-uwi kagabi. Ang alam ko lang binantayan kong matulog si Thaddeus sa hita ko hanggang sa napagod ako ka-iiyak at nakatulog din ako.

Tulala ako na nakatingin sa kawalan ngayon. Nakatiklop ang aking tuhod at yakap-yakap ko ang aking binti. Okupado ang isip ko ng nangyari kagabi. Iniisip ko kung paano ko haharapin ang bagong bukas na wala na siya. Umagos na naman ang mainit na likido mula sa mata ko. Nagbabalik sa ala-ala ko ang nangyari kagabi. I told him to not drink the oblivion potion but he insist. Alam kong gusto niya akong maging masaya pero bakit hindi ko magawang tumawa ngayon?

Natigilan ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pinto. Narinig ko ang boses ni mommy na tinatawag ako pero hindi ako sumagot. Hinilig ko lang ang ulo ko sa ibabaw ng aking tuhod habang nakatingin sa bintana na natatabunan ng kurtina. Naka-ilang tawag at katok bago natahimik. Ang akala ko ay umalis na siya pero narinig ko ang langingit ng pagbukas ng pinto. Gusto ko mang lingunin si mommy pero ayaw ng ulo ko. Ang bigat-bigat ng katawan ko ngayon pati na ng puso ko. Puro negatibong bagay ang pumapasok sa isipan ko.

Mariin akong napapikit ng biglang buksan ni mommy ang bintana at tumama ang sikat ng araw sa mata ko. Nilipat ko ang tingin ko sa kabilang gilid—sa pader. Pumatak ang luha ko sa aking balat pero hindi ko ito pinansin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Akala ko ba ito ang gusto ko, ang palayain si Thaddeus pero bakit ngayon nahihirapan akong tanggapin ang katotohanan? Bakit ngayon gusto kong isipin na nanaginip lang ako kagabi na uminom siya ng potion na 'yon at hindi totoong wala na siya sa akin. Natatawa ako sa sarili ko. Ako yata ang nagayuma ni Thaddeus ng matatamis niyang salita. Na-aamoy kong maghahabol ako sa kaniya.

“He drive you home,” mom said. I automatically raised my head at what mommy said. Gulong-gulo akong tumingin sa kaniya. She took a deep sigh bago umupo sa gilid ng kama, hindi kalayuan sa akin.

“He drive you home kahit nahihilo na siya. I don't know what happened to him but base on what I saw while he's carrying you yesterday, nahihirapan siya sa sobrang pananakit ng ulo niya. Did he... did he already drink the oblivion potion?” Mom's asked. I nodded as an answer.

Hanggang sa huli ako pa rin ang inintindi niya. Bakit ka ba ganiyan, Thaddeus? Ang selfless mo! Nakakainis ka! Palagi mo 'kong inu-una kahit alam mo namang hindi dapat! You're so selfless and I hate your for being like that!

Mommy move a little closer to me and combed my hair. I could feel her eyes looking at me but I was still looking at the wall. I can't face mommy like this. I was ashamed to show her my stupidity. Iniyakan ko ang lalaking nagayuma ko ng hindi naman para sa kaniya na minahal ko rin naman. Dahan-dahan ni mommy'ng hinilig ang aking katawan sa kaniya. Nang sandaling lumapat ang ulo ko sa balikat ni mommy, bumuhos ng husto ang luha ko. Yakap ko pa rin ang aking tuhod na nanginginig.

“I told you, my sweetie, you can lean your head on mommy's shoulder anytime you need hindi ba?” Sinuklay niyang muli ang aking buhok.

“Mom... ang sakit!” Tatlong salita pero libo-libong salita ang nakatago na hindi ko kayang ilabas.

“I know, sweetie. Mommy knows your pain and I am always here hanggang sa maging maayos na ang pakiramdam mo.” Hinalikan ni mommy ang tapat ng bunbunan ko.

Niyakap ko si mommy patagilid. Nakapulupot ang aking kamay sa kaniyang baywang habang napatong pa rin ang ulo ko sa kaniyang balikat.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon