CHAPTER 13

1.6K 132 15
                                    

HALLEINA'S POV

Nakalipas na ang mahigit apat na araw simula nang mangyari ang insidente. Medyo maayos naman na ang kalagayan ni Thaddeus. Madalas ko nga lang siyang inaalalayan. Hindi basta sugat lang pala ang nakuha niya. Tumukod daw pala ang tuhod niya sa may katulisang bato ng aksidente siyang nasagi ng kalaban. Ewan pa nga raw niya kung sindya ba 'yon o ano. Malinis ang laruan ng umalis sila. Ikinagulat na nga lang ng lahat dahil may bato. Sa ngayon, pahilom na ang sugat niya. Bawal pa rin pwersahin dahil baka dumugo ulit.

Malapit na ang exam. Todo na ang pagre-review na ginagawa ng mga kaklase ko. Hapit na rin ang aming projects at kasunod na nga nito ay research. Lahat sila pinagsisikapan na isaulo ang lahat ng lesson tapos ako ito. Ang lakas ng loob magpa-chill lang akala mo walang iniintindi. Nagagawa ko pang matulog kapag vacant namin imbis na sabayan silang gumawa.

Paano ba naman masakit na ang ulo ko. Isipin mo, imbis na magre-recess ako kailangan ko pang pumunta kay Thaddeus. Tinutulungan niya ako sa pagre-review. Dala-dala niya ang mga librong binili niya. Talagang nag-abala pa siya. Dinadalhan niya rin ako ng mga pagkain. Sa may hagdan o hindi naman kaya sa rooftop kami kakain tapos doon na rin kami minsan nagre-review. Madalas pa rin sa library dahil tahimik ang kaso nga lang palagi akong nakakatulog.

"Saan na naman tayo?!" Asar na tanong ko sa kaniya. Hila-hila niya ako sa kamay.

"Basta! I found this place kanina lang!" Excited na sabi niya.

Napagulong ang aking mata. "Gutom na ako, eh!" Reklamo ko.

Tila hindi niya ako narinig. Patuloy lang siya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa pinakang likod ng school. Maraming tuyong dahol sa paligid nito. Dito iniimbak ang mga lumang upuan na hindi na magagamit. Tinignan ko ang paligid. Ano kayang nakita niyang maganda sa lugar na 'to? Wala namang maganda. Puro dahon na tuyo lang. Sa labas ng grills ay madamong tanawin. Nilapag niya ang gamit namin sa isang silang desk tapos may kinuha siya sa bag niya. Nilatag niya ang pulang tela sa sahig. Muli niyang kinuha ang bag namin tapos umupo roon.

Nilabas niya ang mga libro, papel, at lunchbox na dalawa. Inayos niya ang pagkakalagay nito bago niya ako pina-upo.

"Bakit dito?" Tanong ko sa kaniya habang tinitignan ang paligid. It's look shabby and unclean.

"Tahimik. More on computation ang subject mo. You need peaceful place to focus on your review," sagot niya. Inabot niya sa akin ang isang kutsara. "Kumain ka na, babe. Marami ka pang pag-aaralan na lesson."

"Hindi ako kumakain ng ampalaya," sabi ko sa kaniya ng mapuna ko ang ampalayang halo ng luto niyang pakbet.

"Set aside mo, ako ang kakain. You love patty, right? Here." Nilagay niya ang isang patty sa baunan ko.

"Hindi ka ba nagsasawa magluto?" Deretsang tanong ko. Palagi na lang niya kasi akong pinagluluto.

Nangunot ang noo niya habang pinagsasama ang kanin at gulay. "Huh? Bakit naman ako magsasawa?" Tanong niya bago isubo ang naipong kanin sa kutsara.

"I mean," I paused and sighed. "Hindi ka ba nagsasawang ipagluto ako?"

"Why would I? Nag-aral nga ako ng pagluluto for you tapos pagsasawaan ko naman? You know what, babe? Gutom lang 'yan. Kumain ka na."

Gutom nga lang ba talaga?

Habang tumatagal kinakabahan na ako sa pinapakita niyang kilos. Natatakot ako na baka makulong ako sa at masanay sa ginagawa niya. I want to distance myself but he keep chasing me. I want to tell him about the gayuma pero baka hindi siya maniwala. He's not on his wits and I understand that. Ayaw ko lang na isang araw hindi na ako makaalis sa tabi niya. Ayaw kong makulong sa bisig niya na nakayakap sa akin. Lalo na't alam kong ang yakap na 'yon ay hindi naman talaga para sa akin.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon