CHAPTER 20.2

1.6K 134 81
                                    

HALLEINA'S POV

"Are you okay, babe/Halleina?" Sabay na tanong nila.

Sabay talaga sila?

"What did you do to her, Shiera?!" Galit na asik ni Fire. His voice roared inside the kitchen.

In-erapan lang siya nito. "I didn't do anything! Baka sinadya niya talagang ibuhos sa kaniya ang juice to frame up me!" Ako pa talaga ang sinisi sa bandang huli. Anak ng tokwang babae 'to. Sarap yamukusin ng mukha!

Natanggal ang tingin ko sa kaniya ng punasan ni Thaddeus ang bahagi kung saan ako nabasa. Naka-maikling short na puti ako ngayon kaya kitang-kita ang orange juice na tinapon niya sa akin. Pati ang suot kong damit na kulay puti rin ay may talsik.

"Discipline your girl, Ecel!"

"Why me?! Wala naman akong kasalanan! Ayan nga kabago-bago lang dito feeling ano na!"

"ENOUGH!" Nabigla kami sa pagsigaw ng daddy nila.

"Haxeon, calm down. Ang blood pressure mo!"

"I-uwi mo na si Shiera, Hexel. Hindi ko kayang kumain sa hapag-kainan na may kasamang sinungaling!"

"But-tito! Wala naman talaga akong ginawa!" Binaling niya sa akin ang masama niyang tingin. "It's her! She's trying to ruin my reputation!"

"Nananahimik akong kumakain, Shiera," kalmadong tugon ko. Lalong nagngalit ang mukha niya.

"SINUNGALING!" She roared. Akmang susugurin niya ako ngunit mabilis akong tinago ni Thaddeus sa likuran niya at humarang naman si Fire sa harapan.

"Lay your hand on my girlfriend, sisiguraduhin ko na ito na ang huling tapak mo sa bahay namin!" Nanlilisik ang matang banta sa kaniya ni Thaddeus.

"Can you please stop playing guilty game, Shiera?! We all witness what happened! Stop fucking denying!"

"Wait! Kinakampihan mo ang babaeng 'yan?!"

"YES! Mali ka sa una pa lang, Shiera! Lumabas ka na! Get out of this house! You're ruining our night! I don't want to see your face again!" Ang sakit naman no'n.

Gusto kong maawa kay Shiera pero parang hindi niya deserve ang awa ko. Kung magso-sorry siya baka sabihin ko pang palagpasin na lang ang nangyaring ito.

I can't take off my eyes on the two man standing in front of me. The kuya who's protecting me at ang kapatid nito na nagbigay ng hustisya sa akin. Kanino nga ba ako dapat na kiligin? Thaddeus' hand wrapped around my waist. Nakasiksik ako sa may bandang kili-kili niya. Kinagat ko ang ibaba kong labi at dahan-dahan na inikot ang kamay ko sa kaniyang baywang. Nagmumukha na akong nakayakap sa kaniya. Side hug yata ang tawag dito. One of my hand on his back while my one hand on his stomach. Tumingin siya sa akin at ngumiti. He patted my head then kissed me on my forehead. Electricity crawled through my body. It's a sign that I'm thrilled by the simple act he did.

I couldn't follow their argument. Nakita ko na lang na padabog na lumabas si Shiera. Anger was evident in every step she took. Lumingon sa amin si Fire. Seryoso ang kaniyang mukha pero kumalma rin. Tumingin siya sa akin.

"I'm sorry for her childish act, Halleina," he sincerely said. Wala sa amin ang tingin niya kung 'di sa mga kamay namin.

"Hayaan mo na." Tumingin sa akin si Thaddeus. "Magpalit ka muna or kain?" Tanong niya.

"Ah-"

"Kumain ka na lang muna, Halleina," he suggested. "They already started swimming. You can go to the pool after mo kumain." Ang bait sa akin ng yelo na 'to ngayon.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon