CHAPTER 45

1.5K 96 11
                                    

This chapter is dedicated to Zheyanna143 thank you so much for supporting me and reading my story, love!

HALLEINA'S POV

After 4 months...

Today is Fourth year graduation as well as my birthday. Naisip kong pumunta muna at manood ng graduation. Gusto kong personal na mapanood si Thaddeus na tumapak sa stage at mag-speech. He's the valedictorian of the year and I can't wait to hear his motivational speech. Napasa na rin ako sa honor this second semester at syempre, laking pasalamat ko roon. About Shiera? Wala na na akong narinig na balita tungkol sa kaniya. All I know is she's not here in the Philippines. Mukhang tinago na siya ng magulang niya kay Fire.

“Are you sure pupunta ka muna sa graduation?” Kanina pang tanong ni mommy sa akin. Nag-aayos ako ng sarili ko ngayon sa harap ng salamin.

“Oo nga po, mommy. Gusto ko lang naman mapanood si Thaddeus na umakyat sa stage tapos gusto ko ring marinig ang speech niya 'no!” Bibili rin pala ako ng bouquet para sa kaniya.

Ano bang gusto niyang bulaklak? He's a boy, malamang kung ano lang ang ibigay sa kaniya. Magiging masaya kaya siya once na may matanggap siya mula sa akin? Shit! Na-i-imagine ko pa lang ang nakakatunaw niyang ngiti kinikilig na ako! Kinagat ko ang ibaba kong labi habang nakatingin sa salamin. Ako lang 'to, ang babaeng kinikilig kay Thaddeus. Feeling ko kasi lahat bumalik na sa umpisa. Gaya ng pinangako niya sa PowerPoint, tinupad niya lahat ng iyon. Talagang may isang salita ang isang Thaddeus Gabis. Mas lalo lang tuloy tumataas ang paghanga ko sa kaniya. Siya kaya ang naging inspiration ko para mag-aral ng mabuti.

Malakas akong tumili ng biglang kurutin ni mommy ang tigiliran ko. Asar akong tumingin sa kaniya, hindi makapaniwalang pinutol niya ang pagpa-pantasya ko.

“Mommy naman!” Reklamo ko.

Tumaas ang kilay niya. “What? Mali ba na kurutin kita? Para kang baliw na ngumingiti sa harap ng salamin, gaga!”

“Normal po 'yon kapag in love 'no!”

She pointed her finger on me. “Naku, Halleina, ayan ka na naman, ha! Ayan ka na naman!” Tila may pinupuntong sabi ni mommy.

“Po?” Inosenteng tanong ko. “Aalis na ako, mom. Babalik na lang po ako after graduation!” Hinalikan ko siya sa pisngi sabay tumakbo palabas ng kuwarto.

“HALLEINA MATTIAS, UMUWI KA AGAD!” Pahabol na sigaw ni mommy.

In-ignore ko na lang iyon. Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko. 30 minutes na lang magsisimula ang graduation. Wala dapat akong ma-missed kahit isang event lang, kahit opening prayer.

Natampal ko ang noo ko habang nagma-maneho ng maalala kong bibili pa pala ako ng bulaklak. Iyon ang pinaka-importante sa lahat para makausap ko si Thaddeus. Oh no! Makikita ko ulit ang magulang niya. Nakalimutan na kaya nila ako? Galit kaya sila sa akin? Sinabi kaya ni Fire ang tungkol sa ginawa ko? Nagsisimula na naman akong mag-overthink. Baka itaboy nila ako palabas once na makita nila ako. Hindi makatao ang ginawa ko sa anak nila kaya paniguradong malilintikan ako. Pero, hindi! Ipaglalaban ko na kakausapin ko ngayon si Thaddeus. Baka ito na ang huli naming pagkikita.

Magkakaroon na siya ng trabaho in the future at sa talino niyang iyon, hindi malabong dumugin siya ng maraming offers. Ako naman mag-aaral na ng maayos dahil graduating na ako. Sasampalin ko pa si Fire ng magandang grades. Malabo na akong maging valedictorian kasi nagloko ako nang fist year and second year ko. Ang malinaw na lang sa akin, may diploma akong hahawakan ang ipagmamalaki.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon