CHAPTER 37

1.3K 90 51
                                    

HALLEINA'S POV

Naglalakad ako papasok ng gate ngayon. Bet ko lang talaga maglakad mag-isa ngayon. Masyado pang maaga at sinadya ko ito para magawa ang assignment ko. Kaninang ala-singko lang ako naka-uwi. Hindi ako ginising ni Thaddeus kahapon dahil masarap daw ang tulog ko. Ang akala ko nga pag-uwi ko pagagalitan ako ng mommy pero hindi siya nagtanong. Inalok niya lang ako na kumain tapos wala na.

Nag-desisyon akong pumunta muna sa library dahil doon kukuha ng source para sa assignment namin. After 15 minutes, lumabas na rin ako at umakyat sa second building, sa floor kung saan naka-assign ang section namin ngayon. Konti pa lang ang tao, iilan pa lang at karamihan mga honor student pa. Bahagya akong nagulat ng makitang bumalik na si Bekay at Shai sa dati nilang puwesto. Nagtama pa nga ang tingin naming dalawa ni Shairylle pero hindi niya ako pinansin, binalik niya ang tingin sa libro.

I chose to ignore her existence since sinimulan na niya. As I said, they are not my true friend because if they are hahayaan nila akong maging masaya sa mga desisyon na gagawin ko.

Umupo ako sa pinaka-dulo. Sinadya kong lumayo sa kanila para hindi makaramdam ng awkwardness. Despite our fight and misunderstanding, wala pa rin naman akong balak isiwalat lahat ng secret na alam ko. I still treat them as my friend at walang magbabago sa bagay na 'yon. The only thing that change is, we are ignoring each other like we're not met before.

"Ang aga mo naman!" Bati sa akin ni Jacob. Kadarating niya lang at sa tabi ko agad siya umupo.

"Ginawa ko pa kasi ang assignment," sagot ko.

"Bumalik na pala sila?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumingin sa kung saan siya nakatingin, sa gawi nila Bekay.

Masaya ang dalawang nag-uusap, may paghampas pa. Naiintindihan kong nagseselos siya pero wala siyang magawa dahil nga may banta na sa kaniya si Bekay.

Umiling ako. "Ngayon ko lang din nalaman."

"Tsss! Umalis-alis tapos babalik sa section natin? Dapat nag-stay na lang sila kung saan sila belong!" Nagpaparinig na aniya.

Hinampas ko siya sa balikat at sinaway. Naghahanap lang ng away 'tong lalaking 'to.

"Bakit? Totoo naman, ah! Hindi naman talaga nababagay 'yang dalawang 'yan sa section natin!" Pag-uulit niya pa.

Masama ang tingin ni Shai na lumingon sa gawi namin. In-erapan niya si Jacob at binalik ang tingin kay Bekay.

"Manahimik ka nga! Kung may personal na issue ka sa kanilang dalawa, sabihin mo! Madadamay ako sa ginagawa mo!" Sermon ko.

Umalis ako sa tabi at lumipat sa dulo, sa may tapat ng bintana. Ayaw kong madamay sa pagpaparinig niya sa dalawa. Baka isipin nila ako ang sumusulsol sa kaniya. May sarili rin akong problema. Sa tingin ko naman kaya na nilang ayusin 'yon ng sila lang.

Mula sa puwesto ko, tinatanaw ang mga estudyante na dumadaan sa hallway. Kahit hindi ko sila kilala, tinitignan ko pa rin sila. Napakunot ang noo ko ng makita si Fire sa kabilang building, sa fourth year. Nakatingin siya sa akin at sumisenyas na lumabas ako. Tinuro ko ang sarili ko upang makasiguro. Lumingon din ako sa likuran ko pero walang naman akong ibang katabi. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya, tumatango siya at pinapagpag ang kamay niya na parang sinasabing puntahan ko siya.

Tumayo ako sa kina-uupuan ko at lumabas. Nagtungo ako kung nasaan si Fire. Ang taas pa naman na sa fourth floor siya. Sa building ng engineering 'yon. Hindi ko alam anong trip niya kaya pinapunta niya ako.

"Bakit?" Tanong ko nang makarating na ako kung nasaan siya. Tinignan ko ang paligid. Walang tao, malamang mamaya pa ang pasok ng mga Fourth year.

"We need to talk," seryosong sabi niya. Kinabahan ako sa paraan ng pagkakasabi niya.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon