CHAPTER 8

1.8K 144 33
                                    

HALLEINA'S POV

Mas lalong nagiging busy ang lahat dahil sa papalapit na intrams. May mga naghahanda na para sa talent nila sa opening. Ang karamihan naman ay naghahanda para sa sport na sasalihan nila. Lalo ring naging busy sila Fire. Dumami ang asikasuhin nila. Hindi na nga siya pumi-pirmi sa classroom. Isang subject lang papasukan niya tapos kailangan na naman niyang asikasuhin 'yong para sa intramurals na gaganapin.

Wala naman na dapat no'n. Nag-request lang ang mga fourth year na kahit sa huling year daw nila maranasan naman nila ang intrams. Kaya nagkaroon ng gano'ng event para sa kanila taon-taon. Kung sabagay nga naman, ang hirap umalis sa school na 'to ng wala kang magandang memory. Ako kasi puro kahihiyan na ang ginawa ko rito.

Dahil nga wala kaming klase ngayon, nililibot namin ang buong campus. Tinitignan namin ang gawa ng iba tapos syempre, medyo huhusgahan namin. Ayaw naman kami patulungin ng mga officer doon. Wala raw kaming magandang magagawa lalo na't magkakasama kaming tatlo. Si Jacob kasi busy sa training niya. And speaking of training gano'n din si Thaddeus. Naging abala na rin siya sa paghahanda para sa football tournament. Malaki rin ang pasalamat ko sa event na 'to. Sa wakas naranasan ko ulit magkaroon ng tahimik na buhay.

“Pagod na ako!” Umupo si Shai sa bench sa may hallway ng school sabay pinukpok ang kaniyang hita.

Umupo rin ako sa tabi niya. “Ikot pa tayo!” Pang-aasar ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. “Kung gusto mo ikaw na lang! Kaya ka lang ganiyan kasi miss mo na si kuya Tad!”

“Mama mo miss! Bakit ko naman ma-miss ang damuhong na 'yon?!” Ang guwapo naman niya.

Umupo si Bekay sa tabi ko sabay sundot ng tagiliran ko. “Aminin mo na, ante! Ang boring ng buhay mo kapag walang Thaddeus na uma-aligid at humabol sa'yo!” Panunukso niya.

In-erapan ko siya. “Mas gusto ko nga ang gano'n! Natatahimik ako. Kaysa naman nandito siya tapos pipilitin akong pakainin ng gulay, hmp!” Sana ginawa na lang niya akong engkanto!

Natawa silang dalawa ng sabay. Tuwang-tuwa pa talaga palibhasa kakampi na sila ngayon ni Thaddeus.

“Oy, to be honest, ha? After eating gulay for almost two weeks naging maganda ang fit ng katawan mo!” Mahina niya akong hinampas sa balikat. “Patuloy mo lang 'yan. Kay Thaddeus ka na! Inaalagaan ka ng mabuti, oh!”

“Hindi na ako bata. Hindi ko na kailangan ng taong mag-aalaga sa akin!” Masungit na ani ko. Tinawanan nila ako.

“Thaddeus be like?”

“Babe naman, ih!” Sabay na sabi nila tapos bumulalas ng tawa.

Matalim akong tumingin sa kanila ngunit tinawanan lang nila ako. Kailangan ko na yata ng bagong kaibigan. Baka may gustong bumili ng mga 'to. Ibibinta ko na. Pambili rin 'yon ng mga bagong bag from Gucci.

Hinayaan ko na lamang silang dalawa. Hindi rin naman ako mananalo sa kakulitan nila. Tumingin ako sa bantang kaliwa ko. Nakita ko si Fire na may tinuturo sa mga kasamahan niya. Syempre about pa rin 'yon sa event. Ang guwapo niya pero halatang stress na siya. Hindi kalakihan ang bilog sa mata niya pero nababakas pa rin ang puyat na ginawa niya nitong mga nakaraang araw. Kung sa akin 'yan, baka kahit ayaw niya matulog makakatulog siya. Ang arte kasi. Ayaw sa maganda.

“Itanong mo na!”

“Ah! Ikaw na lang kung gusto mo!”

“Ano ka ba?! Hindi tayo makakapag-practice kung wala si Kap!”

“Ih! Mukhang masungit naman 'yan!”

“Okay lang 'yan ikaw naman ang susungitan hindi kami!”

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon