CHAPTER 11

1.6K 121 28
                                    

HALLEINA'S POV

Tinanghali ako ng gising sa sobrang pagod. Hindi ko na rin namalayan kung paano ako nakapasok ng bahay namin. Mabuti na nga lang at mamayang hapon pa ang laban ni Fire sa third year. Ang kaso nga lang inaya rin ako ni Thaddeus na manood ng laro niya. Nahihirapan akong mamili sa dalawa kung kaninong laro nga ba ang panonoorin ko. Kung kay Fire ang panonoorin ko baka magalit naman si Thaddeus at si Fire pa ang pagbuntunan niya. Kung kay Thaddeus naman ang panonoorin ko, hindi ako magiging update sa nangyayari kay bebe loves ko. Bahala na nga mamaya. Kagigising ko lang stress na agad ako.

Nagtungo ako sa kusina. Binati agad ako ng mga chef namin na busy sa pagluluto. Akala mo naman dito sa amin palaging may handaan. Nagluluto na lang palagi ang mga chef. Naabutan ko ang mommy na nagtitimpla ng hot chocolate. Mukhang maganda ang gising niya. Masaya kasi silang nagku-kuwentuhan ni nanay Saling.

“Good morning, mom!” Masiglang bati ko. Humalik ako sa pisngi niya.

“Good morning, anak,” bati rin sa akin. Gaya ng ginawa ko, hinalikan niya rin ang kabilang pisngi ko.

“Dadalhan na sana kita ng breakfast, mabuti't gising ka na.” Tinigilan niya ang paghalo sa hot choco. “This is for you.” Nilapag niya ito sa aking harapan.

“Mommy, anong oras na po ba ako naka-uwi kahapon?” Wala akong maalala. Ang alam ko hinatid ako ni Thaddeus tapos ewan na.

“Maaga pa. Mga 2 pm nandito ka na. Nagising ka naman kagabi pero natulog din agad. Pagod na pagod ka,” kuwento ni mommy.

“Eh, paano po ako nakapqsok sa kuwarto ko?” Tanong kong muli.

Lumapad ang ngiti ni mommy. Parang may kung anong tinutukoy ang ngiting pinapakita niya sa akin ngayon. Curious ko siyang tinignan. May nangyari ba na hindi ko alam? Ang creepy ng mommy ko ngumiti.

“Kinikilig ako ano ba?!” Pumapadyak na aniya. “Binuhat ka lang naman papasok ng boyfriend mo, anak! Ikaw naman, hindi mo sinabing boyfriend mo na pala ang kuya ng crush mo!” Kinikilig na sambit niya. Humampas siya sa hangin.

Sinapo ko ang noo ko. Bakit nga ba natulog ako? Nakakahiya!

“Mommy, hindi ko nga siya boyfriend!” Tanggi ko. Ayon naman ang totoo.

Ngumiwi siya. “Hindi boyfriend pero nagpapahatid? Hindi boyfriend pero nagpapabuhat? Ano 'yon? Best friend with special treatment?” Sunod-sunod na usal niya.

“Hays! Mommy, siya nga kasi ang naka-inom ng gayuma na dapat sana para sa kapatid niya!” Diin ko. Sana lang maintindihan na ng mommy ko.

“Oh—what?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!”

“Mommy, I already told you about that! In-una mo pa kasi 'yong halaman mong namatay kaysa sa akin!”

“Sinabi mo na talaga?” Binigyan niya ako ng hindi naniniwalang tingin. “Wala akong maalala pero 'yong pagkamatay ng halaman ko na-aalala ko pa. Sumasakit na naman ang aking dibdib!” Oa naman ng mommy ko.

In-erapan ko siya. Humigop ako sa timpla niyang hot chocolate. Kaya kay mommy talaga ako. Simula pagkabata alam niya ang gusto kong timpla. Hindi nagbabago.

“Anyway, kaya naman pala I saw something different on him. There's a purple glint on his eyes kapag tinatamaan ng araw. Gayuma pala iyon.”

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon