CHAPTER 27

1.6K 102 32
                                    

HALLEINA'S POV

Ngayon ang unang perform ni Fire sa bar na sinasabi niya. Dumating na rin nag dress and I don't know what's special with this dress. Hanggang tuhod ko lang siya and super fitted. Square neck na spaghetti strap. Sa likod naman parang ekis-ekis sa corset ang tali. Baby blue ang kulay nito. Ang puti ko nga lalo tignan. Nakaharap ako ngayon sa salamin. Tinitignan ang hubog ng katawan ko sa suot kong dress. In all fairness, ang ganda ng katawan ko tignan ngayon. Matagal na akong sexy pero mas sexy ako ngayon.

Humanap ako sa drawer ko ng earrings and necklace na babagay sa damit ko. Tinatagalan ko pa ang galaw ko dahil wala pa naman sila Shai. Sila ang kasabay kong pumunta sa lugar na 'yon. Napatigil ako sa pag-aayos ng pumasok si mommy sa loob ng kuwarto ko. Nakangiti siya ng malapad habang nakatingin sa kabuohan ko.

“You look so beautiful, anak,” puri niya. Tumabi siya sa akin sabay humarap sa salamin na nasa harapan namin.

Umakbay siya at pinagdikit ang mukha namin. Talagang magka-mukha kami ni mommy. Mas matangkad lang ako sa kaniya o dahil lang talaga sa heels na suot ko.

“Female version ka talaga ng daddy mo,” nakangiting aniya.

“Mas magka-mukha kaya tayo tignan, mommy,” demand ko.

Umiling siya. “Magka-mukha tayo pero mas ka-mukha mo ang daddy mo, anak. Your not so pointed nose, your eyes, your lips, lahat kuhang-kuha mo sa kaniya. Kung hindi ka lang babae baka pagkakamamalan kayong kambal ng daddy mo.”

Talaga bang ka-mukha ko ang daddy?

May mga old picture si daddy no'ng bata pa siya. Hindi ko naman nakikitang magka-mukha kami.

Tumayo si mommy sa harapan ko sabay inayos ang suot kong necklace. May pendant itong blue heart na diamond. Binili sa akin ni mommy ang necklace na 'to no'ng nag-18 ako. Ayaw kong isuot 'to palagi dahil mahal nga ang pagkakabili niya.

“Iha, if one day you have to choose between two person, please choose wisely, okay? Huwag kang pipili ng pagsisisihan mo.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mommy. She's acting weird today.

“Mom, are you alright? You're acting weird today,” nag-aalalang tanong ko.

She shook her head. “I'm okay. Sinasabi ko lang sa'yo kasi nakikita kong iba ang tingin sa'yo ni Fire. This dress is given by him it means, you mean a lot to him.” Nilagay niya ang ibang buhok ko sa gilid ng tainga ko.

“You like Fire but you love Thaddeus. Hindi habang buhay p'wede mo silang pagsabayin. I am just hoping that one day, kapag namili ka na, maging masaya ka sa pipiliin mo.” She smiled to me. Bahagyang tumingkayad si mommy sabay hinalikan ang noo ko.

Tama ang mommy. Talagang darating ang araw na mamimili ako dahil gawa na ang oblivion potion. At hindi na nga magtatagal ang araw na 'yon. Na sa kamay ko na kung hahayaan ko na manatiling gano'n si Thaddeus dahil mahal ko siya o pakakawalan ko na siya sa sumpang hindi naman dapat sa kaniya. Parang binibiyak agad ang puso ko sa tuwing iniisip ko ang bagay na 'yon. Ayaw ko namang mawala sa akin ang lalaking minamahal ko pero nandiyan na si Fire. Nakuha ko na siya. Ano bang dapat kong gawin? Alam ko ang tama sa mali pero nananaig sa akin ang kagustuhan ko.

Napatigil ako sa pag-iisip ng makarinig kami ng busina ng kotse. Nagkatinginan kaming dalawa ni mommy. Muli na naman niya akong nginitian. She's acting very weird today but she remain her face calm.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon