CHAPTER 7

2K 141 21
                                    

HALLEINA'S POV

Naging tahimik na ang buhay ko. Wala ng nambu-bully sa akin. Simula lang 'yon no'ng binantaan niya ang konting tao sa loob ng court na 'yon. Konti lang talaga ang tao roon pero nagulat ako sa biglang pagkalat nito. Laman kaming dalawa ng usapan kinabukasan. Iba rin trip ng nga college student dito. In-una pa talaga ang tsismis bago activities nila.

"Ang sarap pala lumakad sa hallway ng may respeto sa'yo ang mga tao 'no?"

"True ka diyan, te! Walang nangangahas na umaway sa atin. Lalo naman na kay Halleina!"

"Now, Halleina is the most powerful woman in our campus!"

"Agree/Sa true!"

"Puwede ba? Tigilan niyo na akong tatlo!" Ilang araw na sila ganiyan sa akin.

"Sorry na nga, madam Gabis!" Tumawa si Jacob. Isa pa 'yang tawag nila sa akin.

"Manahimik na sabi kayo!" Pagtataas ko ng boses sa kanila.

Sabay-sabay silang tumawa. Tuwang-tuwa pa ang mga 'to nay napipikon ng tao. Umakbay sa akin si Jacob habang naglalakad. Hindi na ako umalma dahil sanay naman na ako sa kaniya. Sobrang clingy nilang tatlo. Hindi na ako nagtataka kung bakit umaatras lahat ng may gusto sa kanila.

"Tambay muna tayo sa canteen!" Aya ko. Nakita ko kasing nagtungo roon si Fire.

"Ha? Canteen? P'wede namang sa milk tea-han diyan sa labas!" Alma ni Shai.

"Girl, alam mo na kung bakit!" May paghampas na sabi ni Bekay.

"Oh?" Tatango-tangong sabi nito. "Tara na!" Umakbay din siya sa akin.

Hinila nila ako papasok ng canteen. Umupo kami kung saan mas malapit kayla Fire. Si Jacob at Bekay na ang nag-presenta na um-order ng kakainin namin. As usual mga junk food. Madalas naman na pagkain dito junk foods. Sabi dapat daw stay healthy for our immune system tapos canteen ang pasminuno. May mga korean noodles pa silang tinda. Daig pa 7/11 kung maka-spoil sa mga pagkaing hindi naman healthy. Anyway, bet ko naman kasi I'm not info diet food din. Si Jacob lang ang maarte sa amin. Nagmi-maintain siya ng magandang katawan para raw makahakot siya ng maraming babae.

Nakapagtataka yata na wala sa tabi ni Fire si feeling female lead. Akala ko habang buhay na siyang gusto kasama ni Fire. Mabuti na lang ngayon lima lang silang magkakasama. Wala rin 'yong mayabang na Eco. Umiiwas na sa akin 'yon kapag nakikita niya ako sa kahit na saang sulok ng school. Akala mo naman ako ang reyna ng campus. Naging ganito lang naman dahil bigla akong nagkaroon ng instant boyfriend.

"BABE!" Isang sigaw na ikinalingon ng maraming tao. Nasapo ko ang aking noo sa hiya.

In-slide ko ang katawan ko pababa sabay nagtago sa ilalim ng table. Sinilip ako ni Bekay pero sinenyasan ko siya na bumalik. Natawa siya sa akin bago umayos muli ng upo. Nagawi ang tingin ko kay Fire. Nakatingin din ito sa akin. Seryoso lang ang kaniyang mukha. Iniwan ko ang aking mata at parang batang nakatiklop sa ilalim ng mesa.

"Hi, babe!" Sumilip siya sa ilalim kung nasaan ako sabay kumaway.

Pumasok din siya ilalim ng lamesa at tumabi sa akin. Ginaya niya ang posture ko na nakatiklop ang tuhod at nakayakap ang kamay sa aking binti.

"Are we going to play hide and seek?" He giggled.

In-erapan ko siya. "Tinataguan kita!" Sagot ko sa kaniya. Lumusot akong muli paakyat sa upuan ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hilain ang dulo ng palda ko pababa. Nanlaki ang mata ko dahil doon at bigla umupo. Sinamaan ko siya ng tingin nang maka-upo na ako pero ngumiti lang siya. Lumabas siya mula sa ilalim.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon