CHAPTER 41

1.4K 94 11
                                    

This chapter is dedicated to mambabasangbuang, theshiningredrose, and UglyJollyMeee thank you for reading this story!

HALLEINA'S POV

One week. One week na akong nagkukulong sa kuwarto ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang huling usapan namin ni Thaddeus.

“Halleina, can we be friend?”

Mga katagang ayaw umalis sa isip ko. Basang-basa na ang unan ko dahil sa luha pero hindi ko ito pinapansin. Alam ko! Alam kong may magagawa pa akong paraan. I want Thaddeus back! Wala akong pake kung maging desperada na naman ako pero si Thaddeus... si Thaddeus gusto kong bumalik siya sa akin!

Mangkukulam! Ang bruha!

Tama! Siya na lang ang pag-asa ko! Siya lang ang puwedeng makapag-pabalik sa akin kay Thaddeus! Kailangan ko siyang puntahan ngayon! Pupuntahan ko siya!

Nagmumugto man ang mata ko, hindi ako nagdalawang-isip na magbihis. Pupuntahan ko ang mangkukulam. Alam kong na sa kaniya ang potion na puwedeng magbalik kay Thaddeus. Ibabalik ko si Thaddeus sa akin at tungkol naman kay Fire, saka na ako gaganti sa kaniya. My top priority now is to get back what's mine. Hintayin mo 'ko, Thaddeus. Ibabalik kita, babalik tayo sa dati. I'll be good. Hindi na kita bibigyan ng sakit ng ulo. I promise, mag-aaral ako ng mabuti as you want but please, wait for me.

Nakikiusap akong huwag kang mahuhulog sa iba, Thaddeus.

“Kuya Anton, puwede mo po ba akong ipag-maneho?”

Kita ko ang gulat sa mukha ni kuya Anton dahil sa biglang pagsasalita ko. Pinunasan ko ang luha sa mata ko.

“S-Sure, ma'am. Saan po ba tayo pupunta?” Pinagbuksan niya ako ng pinto.

“Sa taong makakatulong sa akin para ibalik ang taong mahal ko,” sabi ko bago pumasok.

Tulala ako habang nagmamaneho si kuya Anton. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung 'di ang katagang binitawan ni Thaddeus. Friends? Best friend? No! We are supposed to be a lovers but I am so stupid! Ang tanga ko dahil nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko! Ang tanga ko kasi hindi ko napansin na niloloko lang pala ako ng gagong Fire na 'yon. Pero, hindi naman kasi 'yon ang kinagagalit ko. Hindi naman ako nasasaktan sa ginawa ni Fire. Nasasaktan ako kasi hindi na ako kilala ng taong mahal ko. Nasasaktan ako ng husto kapag nakikita kong hindi na gaya ng dati ang ngiti niya at, mas nasasaktan ako sa katotohanang wala na siya.

Wala na akong Thaddeus.

Wala ng magluluto sa akin ng mga paborito kong pagkain tapos dadalhin sa school. Wala ng magpapaliwanag sa akin ng mga lesson na hindi ko maintindihan. Wala ng pipilit sa akin na mag-diet ako. Wala ng mang-i-spoil sa akin ng atensyon. At ang pinaka-masakit na dumudurog sa akin ngayon, wala ng Thaddeus na kukulitin ako at gagawin ang lahat mapatunayan niya lang na mahal niya ako. I miss you so much, Thaddeus! I miss you! If only you know. How I wish I could turn back the time where we are both happy. Sana p'wede kong ibalik 'yong panahong magkasama pa tayo.

Mariin kong sinabunutan ang aking sarili. Masakit, pero walang hihigit sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Because of my stupid heart! Because of my stupid obsession! Nawala ang lalaking handang maging alipin ng maling pagmamahal.

-------

Malakas kong hinampas ang lamesang namamagitan sa aming dalawa ngayon.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon