CHAPTER 4

2.7K 167 43
                                    

HALLEINA'S POV

Napadasal ako bago bumaba ng kotse ko. Hindi ko alam ang mangyayari ngayong araw at humihingi ako ng gabay na sana lang, sana lang hindi maging peste ang araw na 'to. Iniisip ko kung saan ako dadaan. Sa likod ba ng building mga first year pero medyo malayo sa building namin o sa mismong daan na lang. Anong gagawin ko kapag nakasalubong ko siya?

Bahala na!

“Good morning, bestie!” Masiglang bati sa akin ni Shai. Dala-dala niya ang kaniyang malapad na ngiti.

Sana all masaya!

“Morning!” May kalamyaang bati ko.

Hinawakan niya ako sa balikat. “Still worried about kay Thaddeus—I mean kay kuya Thaddeus?” Tanong niya.

Malungkot akong tumango sabay tumungo. Lahat naman siguro ma-i-stress kapag ganito ang buhay.

Hinawakan niya ang balikat ko sabay tinapik. “Ayos lang 'yan, bestie. Nag-research na ako tungkol sa kaniya para naman may idea ka,” aniya. Nilabas niya ang isang folder mula sa kaniyang bag.

I looked at her with disbelief on my face. Kaibigan ko ba talaga 'tong na sa harapan ko o kakampi ng ibang tao? Inabot niya sa akin ang folder na 'to ng may ngiti sa labi. Kumukurap-kurap ang mata ko habang banas na nakatingin sa kaniya.

“Seriously?”

“Aish!” Hinawakan niya ang pulsuhan ko at pilit na pinahawak sa akin ang folder. “Narinig ko usapan niyo ng witch na 'yon kahapon, bestie. Sakyan mo na lang 'yong katangahan mo. Wala ka namang ibang sisisihin kung 'di sarili mo na lang.” Tinapik niya ang balikat ko

Mukhang oras na yata para magpalit ako ng kaibigan. She walk way and left me with hanging face. Damn that friend of mine! Minsan na nga lang maging supportive sa hindi pa magandang paraan. I hate her!

I frowned as I looked at the folder. May mga sticker pa ito na brats at brats lettering style na name. Ang nakalagay ay "Information of Thaddeus" sa baba nito, sulat kamay lang ang nakalagay ay, "the ginayuma gone wrong ng bestie ko." Nakaramdam lang ako ng malalang pagkainis sa ginawa niya. I feel like my friend doesn't love me anymore and she is ready to abandon me. It's not bad to overthink in this situation, right?

Naglakad na lang ako papunta sa building namin. I have to take the chance hanggang wala pa ang lalaking 'yon. I'm sure once he saw me he will never stop pestering my day. That witch didn't tell me na literal pala ang magiging epekto ng gayuma na 'to. Masama pa rin tuloy ang loob ko at ang mommy naman tulala pa rin dahil sa pagkamatay ng halaman niya. Well, mom's love their plants more than their daughter. Si mommy gumagastos ng more than 50k para lang sa mga halaman niya na nakikita sa ibang bansa. At buong bahay yata namin napapalibutan na ng halaman ni mommy. Malapit na kaming maging gubat. There's a greenhouse behind our house. She's the only person na p'wedeng pumasok doon. Kahit ako hindi niya pinapayagan dahil baka raw mamatay ang mga halaman niya kapag ako na ang pumasok.

May sumpa ba ako?!

Napatigil ako sa paglalakad ng humarang ang apat na cheapay sa harapan ko. Their eyebrows are raising. Ano na namang nagawa kong kasalanan sa mga insecure na babaeng 'to? Tinignan ko ang pangalan nila sa I'd nila. They are from fourth year and they are HRM student. Kaya naman pala may kolorete ang kanilang mukha. Masama nga lang na hindi bagay sa kanila ang uniform nila. They look like bar girl.

Nakipagtaasan ako ng kilay sa kanila. Hindi naman nagpapatalo sa akin ang babaeng na sa gitna. So hypocrite. The audacity nga naman talaga para titigan ako ng gano'n.

“So, you are Halyena, huh?” Maarteng banggit niya sa pangalan ko. Mali naman.

I raised my one hand. “Excuse me! You pronounce my name very wrong. It's Hal-leyi-na not Hal-ye-na. Tingin mo sa akin balyena?” Mataray na pagtatama ko sa kaniya.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon