CHAPTER 29

1.3K 82 23
                                    

HALLEINA'S POV

I don't know what's on Fire minds today. Kagabi ko pa siya pinipigilan na huwag ng pumunta rito sa bahay pero nagpumilit pa talaga siya. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ng mommy ko. Maid lang ang inuutusan niya para kausapin ako at sabihin ang mga gusto niyang sabihin. Ilang beses akong nag-attempt na puntahan siya sa kuwarto niya pero umuurong ako. Baka ilang araw pa hindi na mainit ang ulo sa akin ni mommy or maybe a month. Nabura na rin ang video. Mabuti na lang inagapan namin. The sad thing is, starting that day hindi na nag-chat o tumawag man lang si Thaddeus. I don't know what happened to him. Wala akong balita. I texted him more times, tinatawagan ko siya pero hindi siya nasagot. Kinakabahan ako na baka napanood niya ang video tapos may gawin siyang masama sa sarili niya.

I know I am not worth for his life but I also know Thaddeus. Alam ko kung paano siya masaktan at doon ako natatakot. My life is really mess. Gusto ko ng ayusin.

“Sabi ko sa'yo huwag ka ng pumunta!” Salubong ko kay Fire. Kababa niya lang sa kotse at na sa labas kami ngayon ng gate.

Lumingon ako sa likuran. Tinitignan ko kung nakasunod ba si mommy sa akin pero mukhang hindi naman. Baka kasi sigawan niya si Fire tapos paalisin, kinakabahan lang ako. Hindi pa ako nakakapasok sa school hanggang ngayon. Nagdahilan lang ako na may sakit ako.

“Pero nandito na ako. I already told you that even you couldn't stop me from talking and explaining everything to your mom,” he said while looking at my back.

“What are you looking at?” Tanong ko.

Hi pointed his finger. “I think I saw your mom. She's right there, sa may bintana niyo.” Tinignan ko ang sinasabi niya at oo ngayon. Nandoon nga si mommy.

Matalas ang tingin niya sa aming dalawa. Bigla siyang tumalikod at sinara ang kurtina ng bintana ng kaniyang kuwarto. Lalo lang akong kinakabahan sa inaasta ng mommy ko. I know she can't be nice to Fire lalo na't alam niya na.amy relasyon pa kami ni Thaddeus. Kahit alam niya kung paanong nagsimula ang relasyon namin, mas gusto niya pa rin ang lalaking 'yon.

“Relax. Haharapin ko ang mommy mo. I'm ready to take the risk for you kahit sobrang hirap nito.”

“Hindi mo kilala ang mommy, Fire. Hindi mo pa siya kilala.” Naiiling na saad ko. “Anyway, tara sa loob,” aya ko sa kaniya. Umuna na akong maglakad papasok.

Bawat hakbang ko papalapit sa bahay namin ay domo-doble ang kaba ko. Nakakaramdam ako ng hindi magandang mangyayari ngayong araw. Sana lang makayanan ni Fire ang ugali ng mommy ko ngayon. Kung natuwa siya kay Thaddeus sa unang pagkikita nila, iba ngayon. Alam kong hindi magiging madali ang lahat.

“Upo ka,” may halong pag-uutos ko kay Fire nang makapasok kami. Umupo naman siya gaya ng sinabi ko.

“Paki hintay na lang ipapatawag ko ang mommy. Hindi niya pa kasi ako kinakausap since umuwi ako galing party,” may halong lungkot na sabi ko sa kaniya.

“I'm sorry. Ang laki ng gulong dinulot ko sa'yo,” nakatungong sabi niya.

“Ayos lang, ginusto ko rin naman ang gulong 'yon kaya huwag mong sisihin ang sarili mo, okay?” Umupo ako sa tabi niya. “Nanay Bising, p'wede po bang paki tawag naman si mommy?” Paki usap na utos ko kay nanay.

“No need.” Kinabahan akong bigla ng marinig ko ang boses ni mommy. Dinig din ang yabag ng kaniyang paa pababa ng hagdan. Para yata akong hihimatayin sa kaba ngayon. Gusto ko na lang maglaho.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon