CHAPTER 6

2.2K 167 52
                                    

HALLEINA'S POV

Tulala ako habang nakatingin sa mga taong dumadaan. Konti pa lang ang eatudyanteng pumapasok dahil maaga pa. Kasalukuyan naman akong na sa rooftop ng school. Gusto ko lang muna magtago. Hindi ko na yata kakayanin ang ganito. Mabuti na lang talaga at Friday na ngayon. Bukas, hindi ko na makikita ang magkapatid na Gabis. Kahapon hinahabol ako ni Fire dahil gusto niyang itanong ang tungkol sa kuya niya. Nakaligtas naman ako dahil kay Jacob. Tinago niya ako. Hindi nga lang ako nakaligtas sa kakulitan ni Thaddeus. Imbis kasi na tulungan ako magtago ng mga kaibigan ko sila pa ang nagturo kung nasaan ako.

Tumingala ako sa langit habang hinihintay ang pagsikat ng araw. Maganda ang tanawin sa rooftop. Natatanaw ang paglubog at pagsikat ng araw kaya maraming umaakyat dito ng madalas. Mabuti na nga lang at ako lang ang tao ngayon dito. Gusto ko rin ng peace of mind ngayon. Ilang araw ng may mga demonyong gumugulo sa utak ko. Nanghihina na ako. Mukhang kailangan ko ng makasilay ng maayos kay Fire. Ilang araw na akong hindi makanaw ng kahit man lang sulyap sa kaniya dahil kung hindi na sa paligid ko ang kuya niya, palagi naman siyang wala sa loob ng room kasama ang Shiera na 'yon.

Ano bang nagustuhan ni Fire sa babaeng 'yon?

Dahil ba matalino? Bakit? Kaya ko rin naman matalino kapag ginusto ko kaso ayaw ko kasi baka umiyak si Shiera. Lowkey lang katalinuhan ko. Pang-board exam na lang 'to. Gano'n dapat ang mindset. Huwag munang ipakita ang talino ngayon para may pang-slay sa board exam. Ang saklap lang kapag pati sa board exam hindi ko magawang mang-slay. Aminado naman akong mahina ang utak ko pero 2.25 lang kaya ang pinaka-mababa kong grade. Ang mahalaga hindi ako nagkakaroon ng tres.

"Sabi ko na nga ba. Dito lang talaga kita matatagpuan." Nilingon ko ang nagsalita.

Nandito na naman siya.

In-ignore ko na lang siya. Binalik ko ang tingin ko sa magandang view. Malapit ng sumikat ang araw. Ibig sabihin malapit ng mag-alas syete. Haharap na naman kami sa mga prof naming matindi magpagawa ng activities. Parang wala na kaming karapatang magpahinga. Hindi ba kami tao, prof?

Umupo siya sa tabi ko sabay umakbay sa akin. Tinanggal ko ang kaniyang kamay sabay sinamaan ko siya ng tingin. No one can touch me except kay Fire. Pasalamat nga siya't pinalalagpas ko ang mga ginagawa niya. Naiintindihan kong epekto lang lahat ng iyon ng gayuma. Sumimangot ang kaniyang mukha. Malungkot ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Hahawakan niya sana ang kamay ko pero agad ko itong iniwas. Mas lalo namang humaba ang pagtulis ng kaniyang nguso.

"Babe, bakit ang cold mo?" Tanong niya.

"Puwede ba? Kung nandito ka lang para sa kalandian mo, lumayas ka na! Nababanas na akong makita ka!" Harsh na sabi ko sa kaniya. Gusto kong maramdaman niya na hindi ko naman talaga siya mahal.

Umiling siya. "Nandito ako kasi nakita kong malungkot ka. Babe, I'm here. I'm always here for me. P'wede mong sabihin lahat ng problema mo sa akin."

"Ikaw nga problema ko paano ko sasabihin?!" Tumaas ang tono ng aking pananalita. "Naiinis ako kasi ikaw ang lumalandi sa akin ng ganiyan! Dapat si Fire 'yan kaso bigla ka na lang umentra tapos ininom 'yong para sa kaniya!" Walang pakundangang sabi ko.

Ngumiti siya ng mapait. "You like my brother?" He asked with bitterness on his voice.

Hindi ako nakasagot. Parang napasobra yata ang pananakit ko sa kaniya. His eyes become teary. Tuwid itong nakatingin sa mga mata ko. Hinihintay ang sagot ko. Tinutop ko ang aking labi. Kahit masama ang ugali ko hindi kaya ng konsensya ko na makasakit ng sobra ng tao.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon