CHAPTER 31

1.4K 85 66
                                    

HALLEINA'S POV

Hindi ko alam ang mararamdaman ko kahapon habang gumagawa kami ng assignment ni Fire. May time na parang nagpaparinig si Fire kay Thaddeus pero hindi naman nahahalata iyon ng isa. Naka-focus lang siya sa akin, na sa akin lang ang tingin niya. Akala mo sampung taon niya akong hindi nakita kung makatingin siya. Ngayon nga sinundo niya ako para raw sabay kaming dalawa na pumasok sa school. Ka-uuwi niya pa lang pero pumasok na agad siya. Parang hindi napapagod ang lalaking 'to.

"Babe, malapit na ang monthsarry natin. After ng monthsarry namin birthday ko naman." He giggled like a child.

"Hm? Do you want something?" Tanong ko.

Umiling siya. "Wala naman akong gusto. Just stay with me for the rest of our life. Gusto kong ikaw ang mapakasalan ko not other girl. Kapag hindi kita napakasalan baka pagsisihan ko 'yon habang buhay." Tumingin ako sa kaniya. Mukhang hindi yata mangyayari ang gusto mo Thaddeus.

Inisip ko kagabi kung itutuloy ko pa ba ang pagtatanggal ng gayuma kay Thaddeus o hindi na. Matapos niya akong i-surprised, talagang naramdaman ko na miss na miss ko siya. Ang saya ko ng sandaling 'yon. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko pa nga na kasama ko pala si Fire. Kapag si Thaddeus ang na sa harapan ko pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa paligid. Hindi ko na naiisip ang iba basta kasama ko siya. Ang sarap sa pakiramdam pero hindi p'wedeng i-pursue.

Itutuloy ko ang pag-alis ng epekto ng gayuma. I don't deserve his treatment. May ibang babae pa na naghihintay sa kagaya niya. Na-una ko ring gustuhin si Fire kaya... si Fire ang pipiliin ko. Kailangan ko lang humanap ng pagkakataon para magawa ang plano ko and I think, gagawin ko iyon sa monthsarry naming dalawa na sinasabi niya. Pinagtataka ko talaga kung paanong naging monthsarry namin ang April 12. Saan niya kaya nakuha ang araw at petsa na 'yan.

"Ah... Thaddeus, m-may napanood ka ba na video t-tungkol s-sa amin ni Fire?" Bakit nga ba tinanong ko pa 'to ngayon? Kumakabog na naman tuloy ang dibdib ko sa magiging sagot niya.

"Huh? What video? May video kayo?" Gulat na tanong niya.

"W-Wala. Nakakahiyang video 'yon kaya b-buti na lang hindi mo napanood, hehe!" Tangina, Halleina sinungaling ka! Ang sinungaling mo, self!

"Sayang! Hindi ko tuloy nakitang napapahiya ka." He laughed. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Wow! Gusto mong napapahiya ako?!"

Lumaki ang mata niya. "I didn't say that!"

"Parang gano'n kaya ang sinabi mo!"

"Pero hindi kaya gano'n! What I mean is-"

"Hindi! Huwag ka na magpaliwanag! Gano'n pa rin 'yon!" Pagpupumilit ko.

"Babe naman, ih!" Pinark niya ang kotse. "Promise, hindi talaga ayon ang ibig sabihin ko. Gusto ko lang malaman kung anong reason bakit nakakahiya ang video niyong dalawa ng kapatid ko. Scandal ba?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Pinagsasabi mong scandal?!" Halos sumigaw na asik ko.

"Kidding! I know naman na hindi niyo magagawa 'yon. Curious lang talaga ako. Kung hindi lang ako nawalan ng cellphone, hmp!" Bumaba siya ng kotse niya. Maganda na rin na nawalan ka ng cellphone. Baka hindi mo kayanin oras na napanood mo 'yong video na 'yon.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon