CHAPTER 26

1.4K 100 22
                                    

HALLEINA'S POV

Na sa bahay lang ako ngayon dahil walang pasok. Magka-video call kaming dalawa ni Thaddeus, as usual. Pareho nga lang kaming tahimik. Kinakabahan ako sa katahimikan niya. Parang may nagawa akong kasalanan. Pati si mommy hindi ako kinakausap kanina, ano bang nagawa ko? Hindi ko na naabutan si mommy na gising nang dumating ako kagabi. Pasado na rin kasi 11 'yon. Sobrang nawili ako sa galang ginawa namin ni Fire. Ngayon lang ako nakapunta sa gano'ng lugar. Talagang na-amaze ako. Para lang siyang mini star city pero limited.

Ang daming fun activities sa lugar na 'yon. Hanggang ngayon sariwa pa sa utak ko ang mga games na pinuntahan namin pati ang pagsakay namin sa ferris wheel. Talagang nag-worried ako kagabi na baka biglang makalas 'yong wheel kasi ang liit lang naman tapos maraming nasakay. Mabuti na lang hindi.

Ang saya ko kagabi. Ngayon ko lang nalaman na masaya pa lang kasama si Fire. Nasanay ako sa pagiging cold niya so I ignored him no'ng mga nakaraang araw. Ngayong nakikilala ko na siya, nakikita ko naman na talagang sincere siya and he's willing to do all he can to make me happy. At halimbawa na ng ginawa niya ang kagabi.

“Wala ka bang ipa-paliwanag?” Nagising ako dahil sa baritonong boses ni Thaddeus.

“H-Ha? A-Ano naman dapat kong ipaliwanag?” May kasalanan nga yata ako.

Umiling lang siya. Nakabihis siya ng pang-opisina. Mukhang pupunta siya sa pinakang-office niya. Hindi ko nakikita kung ano ang ginagawa niya. Hindi sa kaniya nakatutok ang camera kung 'di sa sala.

“T-Thaddeus, m-may kasalanan ba ako?” Kumakabog ng husto ang dibdib ko sa kaba.

“I don't know, maybe you know.”

Tanginang sagot 'yan!

“Ano nga?! Hindi ko alam! Wala akong alam!” Kung alam ko sana kagabi pa ako nag-sorry.

Tumahimik lang siya. Lalo lang akong nainis dahil hindi niya sinasagot ang tanong ko. Naka-ilang tanong pa ako pero katahimik lang ang sinagot niya sa akin. Sa inis ko, pinatay ko ang camera ng cellphone ko sabay halukipkip. Akala ko pabubuksan niya ulit ang camera pero wala.

Kinuha niya ang cellphone niya na nakapatong sa phone standee. Naglakad siya palabas ng bahay na tinutuluyan niya. Kita ko ang seryoso niyang mukha habang nakatingin sa ibaba. Pilit kong binaba ang emosyon at galaw niya pero wala akong mabasa. Ano ba kasing kinagagalit niya? Wala naman talaga akong masamang ginawa. May nag-send ba sa kaniya ng video na inakbayan ako ni Thaddeus?

Bigla akong kinabahan. Napalunok ako ng sunod-sunod lalo na nang kunot-noo siyang tumingin sa camera. Umiwas siya ng tingin dito tapos pumasok sa kotse niya. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya ng bahay niya. Inayos niya ng pagkakapatong ang cellphone niya. Tinignan ko lang ang bawat galaw niya. Mula sa pagsu-suot ng seatbelt hanggang sa pag-start niya ng kotse at pagsisimula niya mag-drive. Hindi ako sanay sa katahimikan niya. Palagi siyang maraming kuwento sa akin. Palagi siyang may mga shini-share na bagay.

“Open your camera may pag-uusapan tayo,” he commanded. Agad ko namang binuksan.

Nanginginig pa.

“A-Ano 'yon?” Kinakabahan kong tanong. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa hita ko sabay kurot.

“Saan ka galing kagabi?” Tanong niya. Hindi siya nakatingin sa akin kung 'di sa daan.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon