CHAPTER 19

1.6K 136 45
                                    

HALLEINA'S POV

Nagkakagulo ang buong classroom ngayon dahil simula bukas hanggang sa susunod na linggo, wala kaming pasok. Exam naman kasi ng fourth year kaya kami naman ang absent. Ang saya 'di ba? Ngayon pa lang nag-iisip na sila ng ganap kung ano ang magandang gawin. Gusto nila mag-chill muna para naman umayos ang takbo ng mga utak naming sabog pa. Basta ako maganda ang takbo ng utak ko kasi masaya pa rin ako hanggang ngayon sa achievement ko. Ayon nga lang, busy na masyado si Thaddeus. May pagkakataon na pinahahatid na lang niya ang mga niluto niya kaysa puntahan ako.

Para rin naman akong tanga na nakakaramdam ng lungkot. Dapat talaga sila ang ma-uuna mag-exam sa amin since na-una i-announce ang kanila peri bandang huli kami pa rin ang na-una. As graduating student kasi marami na sila masyadong ginagawa. Nagtataka nga ako kay Thaddeus paano niya nagagawang pagsabayin bebe time niya kuno at saka pag-aaral niya. Kung ako 'yan matagal na siguro akong namatay sa stress. Iniiyakan ko nga isang assignment lang kasi wala akong masagot.

“Ano na, guys?! Dapat maayos ang plano natin para masaya!”

“Ayaw ko na sa beach! Umay na umay na ako sa amoy ng dagat!” Ani Bekay.

“Palibhasa serina ka,” pang-aasar sa kaniya ng mga lalaki.

“Ay! Oo naman! Tapos kayo 'yong mga shokoy, hmp!”

Nagtawanan ang lahat sa pambabara ni Bekay. Natahimik naman ang mga nambu-bully sa kaniya. Actually, si Bekay talaga ang palaban sa amin. Hindi niya hinahayaang may mabu-bully o mabu-bully siya ng kahit na sino. Para sa kaniya, wala namang masamang ginagawa ang lahat. They have bitter reason for every wrong action they did. Kaya naman mahal na mahal ko ang baklang 'yan. Siya ang nagturo sa amin ni Shai na maging matapang.

“Wait! I have a suggestion!” Taas kamay ng bida-bidang si Shiera.

“Saan?”

Tumayo siya. Feeling main character na naman si gaga, oh! Sarap sabunutan.

“What if kayla Fire tayo mag-celebrate?” Napatingin sa kaniya si Fire with 'what' look.

Napaayos naman ako ng aking upo. Mukhang ngayon pa lang may masasabing maganda ang babaeng 'to. Kung ganito siya nang ganito handa na akong makipag-plastikan sa kaniya palagi.

“Pero dapat hindi kasama si Halleina.” Lah? Aba't talaga namang!

“Bakit? Halleina is our classmate, bakit bawal siya sumama?”

“Oo nga! May ginawa ba siyang mali na naka-offend sa'yo?”

Um-erap siya. “Hindi allowed ang mandadaya sa bahay ng mga Gabis. Tita and tito are both noble kaya hindi niya deserve makilala ang gaya nila!”

“Even if you stop me na pumunta sa bahay na 'yon, na kay Fire pa rin naman ang desisyon kung papupuntahin niya ang future sister-in-law niya sa kanila.” May pagka-sarcastic na sabi ko.

“Naks! Sana all sister-in-law agad!”

“Iba ka na talaga, Halleina! Bigatin ka na!”

“Ang kapal naman ng mukha mo to claim that title. Nakakahiya ka talaga! Dapat lang na hindi ka kasama!”

“Ikaw na lang huwag sumama. Dapat pini-phase out mga kagaya mong bida-bida!”

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon