CHAPTER 25

1.6K 104 3
                                    

HALLEINA'S POV

"So, pumayag ka sa alok ni Fire?" Tanong ni Shai. Kumakain kami ngayon ng street food sa labas ng school.

"Oo, matagal ko naman ng gusto 'yon hindi ba? Matagal ko ng pangarap na mapansin ako ni Fire kaya... ngayong napansin niya ako, binigyan ko siya ng opportunity," walang pag-aalangan na sagot ko.

"Nababaliw ka na ba talaga, Halleina?! Paano si Thaddeus kung sakali mang maging kayo ni Fire?!" Hinampas niya ako sa balikat.

"Oa mo naman kami agad? Wala na nga yata akong nararamdaman sa tao tapos magkakaroon pa ng kami? Huwag ka ngang advance mag-isip!" Sumubo ako ng isang kwek-kwek. Napaso pa ang dila ko sa init.

"Exactly! Wala ka na 'YATANG', nararamdaman. YATA! Alam mo ba ang katumbas ng salitang yata, ha?!" Huminto siya sandali sa kaniyang sinasabi. Binuksan niya ang cellphone niya sabay scroll ng kung ano roon.

Ito..." Hawak niya ang kaniyang cellphone habang nakaturo sa akin ang isa niyang daliri. "Ang ibig sabihin no'n, hindi ka sure! Hindi mo sigurado kung wala na nga ba! Nag-google pa ako para lang masabi ko sa'yo!" Pinatay niya ang cellphone niya sabay suksok sa bulsa.

"Alam mo, hindi na kita maintindihan! Hindi ka sigurado kung may nararamdaman kay sa Fire na 'yon pero pumayag ka, may gusto ka kay Thaddeus pero in denial ka. Bahala ka nga! Napaka-impulsive mo masyado!" Pikon na aniya.

"Problema ko na 'to, huwag mo ng isipin."

"Exactly again!" Tumaas ang kaniyang boses. "Problema mo na 'yan kaya problema ko na rin! Ayaw kong makitang umiiyak ka in the future dahil sa pagsisisi!"

Napatigil ako sa pagtuhog ng kwek-kwek. Hirap ko siya sabay bumuntong-hininga. Matalim ang tingin niya sa akin.

"Shai, hindi ko rin naman gustong gawing komplikado ang lahat pero... complicated na sa simula pa lang at alam mo 'yon. It was supposedly Fire! Siya dapat ang na-gayuma ko pero dumating itong si Thaddeus na nabaliw sa akin dahil sa gayuma. Ngayon naman nahulog na ako kay Thaddeus, hindi ko naman alam kung totoo na ba ang nararamdaman niya para sa akin. May nararamdaman na ako ngayon para kay Thaddeus saka naman nahulog sa akin si Fire. Kung ikaw ang na sa sitwasyon ko, anong gagawin mo?" Gulong-gulo na ang utak ko.

Bumuga siya ng malakas. Pinatong niya ang isang kamay niya sa balikat ko sabay tapik nito. May halong awa siyang tumingin sa akin.

"Naiintindihan kita, Yena. Gets ko naman, ang gusto ko lang hindi mo pagsisihan lahat ng magiging desisyon mo sa bandang huli lalo na kung.... kung pipiliin mo ang apoy sa impyerno na 'yon!" May pag-irap sa hulihan na saad siya.

"Speaking of the devil nandiyan na nga!" Tumalikod siya.

Napatingin naman ako sa gawi kung saan siya kaniya nakatingin. Doon ko nakitang papalapit sa amin si Fire kasama ang ka-team niya. Nakangiti ito ng wagas na animo'y may magandang balita na dala-dala. Kinawayan niya ako kaya naman kumaway din ako pabalik.

"What are you eating that kind of food? Huwag kang kumain niyan mamaya marumi 'yan!" Puna niya agad sa kinakain ko.

Humarap naman si Shai at mataray na tumingin sa kaniya. "Kung marumi 'to sana nandito 'yong ugali ng mga ka-team mo. Mas malinis pa nga ang kulay nito kaysa sa mga budhi nila."

Siniko ko siya. Hilaw akong napangiti sa harapan ni Fire. Ipapahiya yata ako ng kaibigan ko ngayon.

"Pasensya na, mainit lang ang ulo niya. Meron yata, eh," dahilan ko sabay tumawa ng pilit. "Safe naman 'tong kinakain namin. Kuya mo ang nagsabi sa akin na masarap 'to at siya rin ang influencer ko sa pagkain ng street foods na 'to. If you want you can try."

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon