CHAPTER 38.2

1.3K 106 43
                                    

Continuation (The final)...

HALLEINA'S POV

Pabalik na agad kami ngayon sa condo niya. Matapos ang nangyari kanina hindi na ako muling nakapagsalita pa. Gusto ko siyang kausapin pero wala akong maisip na puwede naming i-topic. Mag-a-alas nuebe na ng gabi at naipit pa kami sa traffic. Hindi naman iyon ang problema ko kung 'di ang isip at puso ko na kanina pa nagtatalo. Gusto ng utak ko na huwag ng pakawalan si Thaddeus pero ang puso ko, pilit nitong sinasabi na pakawalan ko na siya. Si Thaddeus, hindi ko siya deserve after ng mga nagawa ko.

Akala ko noon talagang mga lalaki lang ang red flag sa mundo not until I met myself. Ako ang nagpatunay na hindi lang lalaki ang hindi magawang itrato ng maayos ang partner nila kung 'di babae rin. Aaminin kong mahal ko si Thaddeus pero ang salitang mahal ay hindi sapat para manatili sa tabi niya. Kung sapat ang salitang mahal bakit hanggang ngayon may mga bagay pa rin na kahit ipilit hindi talaga tinadhana? Kung sapat na ang salitang mahal ko naman siya bakit may mga unsuccessful pa rin na love story hanggang ngayon? Kung sapat nga ang salitang mahal bakit kahit gusto kong ipilit ang pagmamahal ko kay Thaddeus sinasampal pa rin ako ng katotohanang hindi talaga kaming puwede?


Nakakatawa dahil mamahalin na nga lang niya ako dahil pa sa gayuma. Nagawa niya ang mga bagay na ito dahil sa gayuma at ako naman, nahulog sa lalaking ako mismo ang aksidenteng naka-gayuma.

Gayuma gone wrong.

Kung magkakaroon man ako ng pagkakataong makilala ulit so Thaddeus sa susunod kong buhay ipu-pursue ko na lahat. At kung makikilala ko man siya sa next life ko, hindi na ako papayag na mamahalin niya ako dahil sa gayuma. Sa ngayon, kailangan kong putulin ang love story naming dalawa ngayong gabi. Masakit man sa akin wala na akong ibang choice. After all the pain, after all his efforts that I put in vain, after all those hurtful words, ang pag-stay sa kaniya hindi sapat na paraan para makabawi sa ginawa kong pagkakamali.

“Kanina ka pa tahimik, natatakot ako.”

“Wala 'to,” tanggi ko. Pinilit kong hindi tumulo ang luha ko.

Ngayon ko lang namalayan na nasa elevator na pala kaming dalawa at paakyat na kami sa floor kung nasaan ang kuwarto niya. Dalawa lang kami sa loob, tahimik pa. Pagkalabas namin ng elevator agad kaming pumasok sa pinakang-room niya. Pabagsak siyang umupo sa mahabang sofa, pagod na pagod ang kaniyang hitsura. Ako naman ay maingat na umupo sa isang single sofa. Dumako ang mata ko sa wall clock na nakasabit. 10 pm na pala, malapit na matapos ang oras ko na kasama siya. Damn, iniisip ko pa lang naiiyak na ako. P'wede ko bang ibalik 'yong oras kung saan na sa pool kami?

“Kukuha lang ako ng wine,” paalam niya sabay tumayo.

Susundan ko sana siya pero na-distract ako ng tumunog kong cellphone. Kulubot ang noo kong napatingin sa screen ng cellphone ng makita ang pangalan ni Fire, tumawag siya. Sumulyap muna ako sa kusina upang tignan kung pabalik na ba si Thaddeus bago ko sagutin ang tawag.

“Bakit?” Agad na tanong ko.

“Kumusta kayo ni kuya? Hanggang ngayon ba magkasama pa rin kayo?”

“Oum...”

“I miss you, Halleina. Gusto na kitang sunduin, I'm just tempting. Kung hindi ko lang alam na mawawala na ang gayuma kay kuya bukas baka hindi ako makatiis ng ganito.”

“Fire, tungkol diyan... kasi...”

“Is that my brother?” Napahawak ako sa dibdib ng may biglang magsalita.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon