CHAPTER 38

1.3K 84 25
                                    

HALLEINA'S POV

“Bakit ang tagal mo?” Salubong niya sa akin. Bumusangot siya.

“K-Kanina ka pa?” Nahihiyang tanong ko.

He nodded. “Kaninang-kanina pa! Sabi ko sa'yo 6 am hindi 6:58 am!” May pagsermon na anas niya.

“Eh, kasi naman ano, eh...”

“Hep! Tama na! Bumawi ka ngayon sa akin! You will treat me, buy me whatever I want!” Panghahamon niya.

“Sure!” Mayabang kong sagot.

Parang bata siyang pumalakpak sa harapan ko. Hinila niya ako papunta sa maraming tao. Kasalukuyan kaming na sa marketplace ngayon. Wala akong ideya bakit nandito kami. Ang sabi niya lang sa akin gusto niya raw gawin ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon ng kasama ako. Birthday niya naman ngayon kaya kahit maselan at maarte ako, pagbibigyan ko siya.

Simula nang dumating ako wala akong mabakas na kahit na anong sakit sa mukha niya. Ang expression niya at kilos niya ngayon kagaya pa rin ng dati. Parehong energy ang binibigay niya sa akin. The same as what we are before. Animo'y walang nangyaring hindi maganda kahapon. I know he's just pretending to enjoy the day so I will do the same. I will forgot what happened yesterday for the meantime. My goal is to make him happy ngayong huling araw naming magkakilala.

“What... kind... of... place... is... this?” Naaasiwang tingin ko sa paligid na napaka-ingay.

Punong-puno ng mga tao na ibat-iba ang sinisigaw. May mga malalansang isda, gulay, mga frozen foods, at iba pa. Napangiwi ako ng may dumikit sa akin na pawis na balat, kargador pala. Tumingin ako kay Thaddeus na nag-i-enjoy sa nakikita niya. This man is so weird.

“This is what they called palengke in Tagalog. Don't tell me hindi mo alam 'to?” Tumaas ang isa niyang kilay.

“Alam ko 'no!” Mataray na ani ko. “Why are we here?” I cover my nose when I smell something isn't nice.

“Baka matutulog tayo rito, babe, malamang mamimili tayo ng ingredients para sa iluluto ko mamaya! Naman, oh!” Pambabara niya sa akin. Tinaliman ko ang titig ko sa kaniya, napalunok siya ng sunod-sunod sabay iwas ng tingin.

I was so shocked when a man bumped me. I almost fell but Thaddeus grabbed me. His arms immediately wrapped around my shoulder, which I leaned on so that I wouldn't fall. Napatingala ako sa maamo niyang mukha. Ang fresh niya tignan.

“Are you alright?” He asked with full of concern.

Tumango ako at tumayo ng maayos. Inayos ko ang nagulo kong buhok. Ngayon lang ako nakarating sa lugar na 'to malamang hindi ko aasahan 'yon. Gulat akong tumingin sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko ito at binalik ang tingin paangat sa kaniya.

“Let's buy what I need para makaalis na tayo rito.” He smile.

“Ano bang mga balak mong iluto?” Curious na tanong ko.

“Hulaan mo.” Binigyan niya ako ng pilyong ngiti.

I rolled my eyes. “Hindi ako manghuhula.”

“Malalaman mo naman mamaya, babe. All you have to do today is help me and help me and help me and help me, ayon lang!” Ginawa pa akong katulong, amp!

Naglibot na kami sa palengke. Kung ano-anong gulay ang pinagbibili niya, may mga karne, frozen foods, itlog, at iba pa. Ang dami niyang pinamili, pinalabit niya pa ang iba sa akin. I don't know how much money he spend for the ingredients. Isa lang ang alam ko, marami siyang iluluto ngayon. Baka marami siyang bisita or baka darating ang parents and teammates niya.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon