CHAPTER 16

1.7K 122 16
                                    

HALLEINA'S POV

Matapos ang insidente sa clinic, hindi na kami nagkita ni Thaddeus. Hindi ko muna siya pinayagang pumasok dahil nga may sakit siya. Pinagpilitan niya ngang turuan ako pero hindi ako pumayag. In-ignore ko siya sa messenger at sa iba ko pang social media account para manahimik siya. Bahala na kung magalit siya or mapikon sa ginawa ko. Wala na rin naman akong pake dahil naging busy pa lalo ang mga araw namin. Tatlong araw na lang examination na. Todo na ang paghahanda na ginagawa ng lahat. Mabuti na lang simula bukas wala na muna kaming pasok para sa review.

Ngayon lang ulit natahimik ng ganito ang buhay ko. Ang kaso nga lang parang hindi na ako sanay. Kahit kasama ko sila Bekay may hindi ako malaman na kulang sa buhay ko. Nagtataka rin ako kung ano 'yon. Bumibili naman ako ng pagkain kaya hindi ko masabing kulang ako sa pagkain. Nandito naman lahat ng gamit ko kaya hindi ko rin masabing may naiwan ako. May hinahanap talaga ang utak ko na hindi ko alam. Ang hirap malaman at ang hirap hulaan. Minsan napapaisip na lang ako na baka kulang lang talaga ako sa tsismis kaya ganito ang pakiramdam ko ngayon.

“Look who's here. Ang babaeng feeling matalino, may pa-review pang nalalaman.”

“Feeling matalino umaasa lang naman kay Thaddeus.”

“True, mi! Kapit lang naman sa mga nalalaman ni Thaddeus.”

“Muntik na ngang siya ang mag-aral para sa babaeng 'yan. Ang kapal ng feslak!”

Minsan na nga lang ako manahimik guguluhin pa ako ng mga gagang 'to. Tinignan ko lang sila saglit sabay binalik ang tingin ko sa librong binabasa ko. Wala naman talaga akong naiintindihan dahil kanina pa nalipad ang isip ko.

“Balita ko nga nagkasakit si Thaddeus dahil sa kaniya.”

“Oo nga! Wala man lang puso ang babaeng 'to! May nagkasakit na nga dahil sa kaniya hindi pa niya binibisita!”

“Kahit man lang dalhan ng gamot.”

Nagulat ako sa biglang paghampas ni Colleen sa mesa. Kinunutan ko siya ng aking noo sa inis. Nananahimik na nga ako talagang humahanap pa ng gulo ang mga 'to.

“Ano bang problema mo?!” Inis na tanong ko sa kaniya. Hinampas ko ang libro sa mesa sabay tumayo sa harapan niya.

“Ikaw!” Dinuro niya ako. Bahagya niya akong tinulak. Mabuti na lang at naka kapit ako sa mesa.

“Kung hindi dahil sa'yo, hindi magiging gano'n si Thaddeus! Ang kapal ng mukha mong babae ka! Ang taas masyado ng tingin mo sa sarili mo!”

“Teka lang, ha! Ikaw lang naman nag-iisip na mataas ang tingin ko sa sarili ko, ah!” Tumawa ako ng sarcastic.

“Excuse me—”

“Excuse you! Huwag mo ngang isisi sa akin 'yang pagiging desperada mo sa isang lalaki! Nakakasuka ka!”

Nagngalit ang kaniyang mga mata. Para niya akong kakainin ng hilaw.

“Ano naman sa'yo kung mataas ang tingin ko sa sarili ko dahil boyfriend ko si Thaddeus? Talaga namang dapat ipagmalaki ang gaya niya, ah!”

Fuck!

Natigilan ako ng may pumalakpak. Lumalakas ang palakpak nito habang papalapit sa amin. Inaninag ko ito ng mabuti at napagtantong si Thaddeus pala ang papalapit. Narinig niya kaya ang sinabi ko? Nakakahiya naman, bwiset! Napatakip ako ng gilid ng aking mukha sabay malakas na kinagat ang aking labi. Saan ko ba kasi nakuha ang lakas ng loob ko na sabihin ang gano'ng bagay?

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon