CHAPTER 15

1.6K 121 9
                                    

HALLEINA'S POV

Kagigising ko lang. Malapit na akong ma-late kaya mabilis akong nag-asikaso. Hindi na ako maliligo dahil matatagalan pa ako. Terror teacher pa naman ang first subject namin ngayon. Palagi siyang galit lalo na sa mga kagaya ko. Actually, lagi naman talaga siyang galit sa akin. Lahi yata ng angry birds 'yon si ma'am. Madalas niya akong pag-initan ng ulo. Akala mo ang laki ng kasalanang ginawa ko sa kaniya.

Dinampot ko ang cellphone ko na nakapatong sa kama ko sabay binuksan ito. Agad na bumungad sa akin ang mahigit sampung message mula kay Thaddeus. Binuksan ko ang mga ito at binasa.

Halleina's man ❤️

Good morning, babe! 💛✨

Gising ka na ba?

Don't forget to eat your breakfast because I won't be able to cook for you today.

May lagnat ako, babe and I need to take a rest. 🤒

Ang sakit ng ulo ko, babe. 😭😭

I already chatted your friends and I told them na samahan ka papuntang canteen.

Babawi na lang ako kapag magaling na ako, mwuah! 😚

Sabi ko na nga ba magkakasakit siya. Parang ayaw ko na lang tuloy pumasok dahil kasalanan ko. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi p'wede! Sayang naman ang effort niya kung hindi ko maipapasa ang assignment na ginawa niya sa akin kagabi. Nagpuyat siya para lang matapos 'yon dahil magkaiba nga kami ng subject.

---------

Kararating ko lang sa school ngayon. Mabuti na lang hindi ako late dahil wala pa raw si ma'am. Hingal na hingal akong umupo ng pabagsak sa upuan ko. Agad naman ako sinalubong ng tanong ni Shai.

"Anong nangyari sa jowacles mo at hindi pumasok?" Tanong niya.

"May sakit daw siya," hinihingal pa na sagot ko.

"Kawawa naman." Kahit naman ako na-aawa. Masama na ang pakiramdam niya kagabi pero tinulungan niya pa rin ako.

Hinampas ni Bekay sa balikat si Shai. "Gaga! Si ma'am Alvarez pala ngayon 'no?! Ang shungit pa naman no'n!"

"Hala, oo nga! Check ko nga if dala ko libro ko baka ako na naman mapagalitan niya."

Dahil kinakalkal na nila ang mga bag nila, nakigaya na rin ako. Si ma'am Alvarez 'yong tipo ng teacher na hindi gumagamit ng power point presentation o ano man. Saulo niya lahat ng na sa libro kaya kapag wala kang libro, nganga ka. Sasabihin pa niya na dapat kabisado namin ang na sa loob ng libro dahil mga college na raw kami. Inaasahan na raw na mataas ang memorization namin. Anong magagawa ko kung bobo ako? Password nga sa Gmail ko hindi ko na makabisado buong libro pa kaya?

Nasampal ko ang aking noo. Hindi ko nadala 'yong libro! Sa pagmamadali ko siguro kanina hindi ko nakuha sa bookshelf ko. Napakagat ako ng aking labi habang nakatingin sa mga kaklase ko na nakalagay na sa desk nila ang mga libro. Ano ng gagawin ko? For sure ako na naman ang pag-iinitan ng teacher na 'to mamaya. Palagi na lang ako.

"Hindi ko nadala!" Bulong ko kay Bekay.

Nanlaki ang mata niya. "Gaga?! True ba?!" Hinila niya ang bag ko sabay kalkal.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon