CHAPTER 17

1.6K 127 20
                                    

HALLEINA'S POV

Dumating na nga ang araw na ayaw na ayaw ng lahat. Haharapin na namin ang impyernong buhay namin. Apat na subject ang iti-take namin ngayon tapos bukas naman ay dalawa. Ang iba ay pumayag na mag-online na lang dahil hindi naman sila major. Wala pa man ang proctor namin, kinakabahan na ako. Naghahalo-halo na agad sa utak ko ang mga na-review naming dalawa ni Thaddeus.

Speaking of, walang pasok ang ibang year level ngayon. Hinati kasi ang bawat section ng third year in to two at occupied namin ang buong school. Nahiwalay nga ako kay Shai at Bekay. Napasama naman ako sa mga matatalino. Feeling ko nga nang-aasar ang mga teacher sa school na 'to kaya sinama ako sa mga lumulunok ng calculator at libro.

"Halleina, dapat perfect mo ngayon ang exam kasi tinuruan ka ng boyfriend mo!"

Ay wow!

"Tama ka diyan! Dapat malamangan mo man lang si Fire kahit one point!"

"Kapag hindi, nakakahiya naman sa mukha ng boyfriend mo!"

Tumingin ako may Fire. Nakatingin din ito sa akin. Masama nag titig niya hindi sa akin kung 'di sa dalawang lalaki na honor student din namin. Pati ba naman ibang tao ayaw na niyang lalapit sa akin? Mukha ba akong may nakakahawang virus? Ang sama ng ugali ng lalaking 'to!

"Good morning, everyone. I am your proctor for today and I want you to arrange yourself into alphabetical order. One chair apart and put your bag below your chair."

Sumunod kami agad sa pinag-uutos ng proctor namin. Ang malas ko nga lang dahil kapag alphabetical ang order ng surname, makakatabi ko si Shiera. Kasalanan niya kung bakit M din ang surname niya. Ayaw ko nga sabi siyang katabi!

"Sana galingan mo, Halleina." Mataray siyang tumingin sa akin. "Sana naman nawala na ang pagiging bobo mo sa halos ilang linggong pagtuturo sa'yo ni kuya." Aba't!

"Kuya? Kailan ka pa niya naging kapatid, ha?"

"Kuya dahil may namamagitan sa aming dalawa ni Fire. Ang bobo mo talaga kahit kailan!"

"Oh? You should call me ate hindi ba?"

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Binigyan ko lamang siya ng ngiting mapang-asar. Tinagilid ko ng bahagya ang ulo ko.

"My sister-in-law, hindi naman yata tama na walang galang ka sa ate mo. Baka nakakalimutan mo, I am Thaddeus girlfriend and you're expecting to call me ate." Niyabangan ko ang tingin ko sa kaniya.

She grind her teeth as she looked me with her death glare. Akala naman niya matatakot niya ako sa ganiyan niya. Isa akong Mattias at wala akong kinatatakutan na kahit na sino!

"How dare you to-"

"Ms. Magalonda, ano ang binubulong mo diyan, ha? Why are you disturbing your seatmate?" Puna sa kaniya ni ma'am. Mabuti na lang na kay ma'am na ang puna ko bago pa niya sitahin si Shiera.

Deserve!

"Sorry, ma'am." Tumungo siya ngunit ang tingin niya ay na sa akin. Napakasama. Parang gusto na talaga niya akong lamunin.

Pinamigay na sa amin ang mga test paper. Unang bungad pa lang ng analysation parang nalula na ako. Sa dami ng ni-review ko hindi ko alam kung napag-aralan ko rin ba ito. Bahala na nga si batman! Ang mahalaga ngayon masagutan ko 'to! Nagdasal muna ako ng mga 5 minutes bago simulang isulat ang pangalan ko. Nilabas ko ang calculator na dala ko. Bawal kasi kaming gumamit ng cellphone during exam.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon