CHAPTER 33.1

1.3K 80 88
                                    

This chapter is dedicated to Angeluh18  thank you for ready this story!

Continuation...

HALLEINA'S POV

I sigh heavily before getting out of the car. I'm here, there's no turning back. In my heart, I feel that I made the right decision. This man deserves my attention tonight.

“Kuya, paki hintay na lang po ako rito,” sabi ko sa driver ko.

“Sure, miss! Enjoy po kayo!” Pumasok na siyang muli sa kotse.

Tinignan ko ang kabuohan ko. Siniyasat ko muna ang sarili ko kung maayos pa ba ang sarili ko bago pumasok sa lugar kung saan ang taong kikitain ko ngayon. Bawat paghakbang ko ay sobrang bigat. Parang hindi ko kaya na tumuloy sa loob. Umiling ako ng sunod-sunod. Wala ng atrasan 'to. Sinabi ko naman sa sarili ko na hindi na ako aatras oras na nasa ginusto kong lugar na ako.

“Sabi ko na nga ba darating ka!” Niyakap niya ako sa tuwa. Medyo nabigla ako sa ginawa niya.

“A-Ah... n-nahihirapan na akong huminga.” Tinapik ko siya.

“Ay, sorry, sorry!” Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.

Namangha akong tumingin sa paligid. Ang ganda ng mga ilaw. May naka-set up din na nag-iisang table sa gitna. Walang ibang tao. Malamang hindi naman matatawag na date 'to kung may iba kaming kasama.

“Uhm... I'm shy.” Kamot-ulong aniya. Nagulo ang magandang ayos ng buhok niya pero guwapo pa rin siya tignan.

I chuckled. “This is also my first date,” pag-amin ko. Umangat ang gulat na tingin niya sa akin.

“This is also my first time asking someone for a date. I'm sorry for being inexperience.”

“No, you don't have to say sorry.” Masyadong maganda ang gabi na 'to para makaramdam siya ng guilt.

“Come on, let's have a sit,” aya niya sa akin. Pumunta kami sa table na nasa gitna.

Pinaghila niya ako ng upuan. Nakangiti akong umupo. Hindi pa rin umaalis ang tingin ko sa napakagandang view. Nang maka-upo na siya, biglang namatay ang lahat ng ilaw. Tanging spotlight lang na nakatutok sa amin ang maliwanag. Napanganga ako at manghang tumingin sa sunod-sunod ng pag-ilaw ng kandilang hugis puso. Doon na lamang na-focus ang tingin ko. Mas lalo pang naging maganda ang paligid ng may mahulog na mga petals of rose mula sa itaas. Gusto kong silipin kung saan iyon galing pero masyadong madilim.

Una pa lang ang dami ng pasabog. Is this the surprise he's talking about? Kung oo, literal na na-surpresa ako. Never ko pang naranasan ang ganito kagandang pangyayari sa buhay ko. Bumabalik na naman ang pagiging isip bata ko. Kinuha ko ang petals na nahulog sa mesa namin. Nilagay ko iyon sa palad ko at inihipan.

“Do... you like the... uhm... introduction?” Nag-aalangang tanong niya sa akin. Umiling agad ako.

“No.” Dismayado siyang tumungo. “Because I love it!” Masayang wika ko. Biglang umangat ang kaniyang ulo. Gulat siyang tumingin sa akin. Hindi makapaniwala ang kaniyang ekspresyon.

“I-I thought... y-you said... damn!” Utal na aniya. Kita ko ang pangangapa ng kaniyang bibig sa kung anong sasabihin niya sa akin.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon