CHAPTER 20.1

1.6K 131 41
                                    

HALLEINA'S POV

"Babe," tawag niya sa akin. Magkayakap pa rin kami hanggang ngayon.

"I miss you."

"Eh?"

Napakalas siya ng pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko sabay kunot noong tumingin sa akin. Parang may hindi ako magandang nasabi.

"I said 'I miss you' and you just answered me 'eh?' For real, babe?" Naiiling na siya. Sa hindi ko alam paano magre-respond sa gano'n. Mommy ko lang naman ang madalas magsabi sa akin no'n.

"Tapos na kayo?"

"Grabehan na 'to sinampal ako ng pagiging single ko!"

"Shuta, mi! Hindi ko yata kakayanin ang dalawang 'to!"

"Magtatayo ako ng fandom ni Halleina at Thaddeus!"

"Iba na kayo maglandian, sa harapan talaga namin. Hello, respeto sa single!"

Fuck! Nandiyan nga pala sila.

Napayuko ako sabay subsob ng ulo ko sa dibdib niya. Para akong matutunaw sa hiya habang pinakikinggan ang mga komento nila. Why did I forgot na hindi lang pala kami nag tao sa paligid? Masyado yata akong nasanay na ginagawa namin 'to ng kaming dalawa lang.

I heard him chuckled. He gently patted my head. "What's the point of being shy, babe? They already saw how sweet we are." Hampas sa balikat lang ang sinagot ko sa kaniya.

"Wala pa ba ang mommy at daddy, Ecel?" Tanong niya sa kapatid niya.

"Wala pa kuya."

Hinawakan niya ang isang kamay ko. "I'll tour my girlfriend first." Hinila niya ako. Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa mga kasama namin.

Umakyat kami sa hagdan. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ni Thaddeus ngayon. Sadyang nagpatangay na lamang ako sa kaniya. Wala rin naman akong magagawa kahit tanggihan ko pa siya. Ipipilit niya ang gusto niya.

Nakatingin ako sa bawat pader na dinadaanan namin. Maraming mga picture frame na nakasabit at karamihan dito ay picture nila. Simula sa mga ninuno niya hanggang sa generation nila ngayon. Napansin ko rin ang mga mamahaling vase na naka-display. Ang iba nga ay may pagkaka-pareho ng vase na nasa amin. Ang pinagkaiba lang ay kulay. Kapag nagkataon, maging magkakilala ang magulang nila at saka si mommy talagang magkakasundo ang mga iyon. Mahihilig din pala sila sa collection. Kagaya lang ni mommy na handang gumastos ng malaking halaga para sa mga collection niya.

"Mahilig pala kayo sa collection?" Hindi mapigilang puna ko. Kanina pa kasi ako nakakapansin ng similarities sa mga collection namin.

Huminto sa paglalakad si Thaddeus. Tumango siya at tinignan ang vase na kanina ko pa tinitignan. Malaking vase ito. Kasing laki ko at kulay blue. May ganiyan din kami sa bahay. Na sa likuran nga lang, sa may pool.

"Si daddy ang mahilig mangolekta ng ganiyan. Ang mommy naman mahilig sa mga paintings."

Napatango ako. "May pagkaka-pareho lang sa collection ng mommy."

"Hm? Siguro kasi iisang shop lang ang binilhan nila. My dad told me na tatlo lang daw ang vase na 'yan. Pink, blue, and the green. He chose the blue one. Anong piniling kulay ng mommy mo?" Tanong niya. Pilit kong inalala kung anong kulay ang na sa bahay.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon