CHAPTER 9

1.8K 137 32
                                    

HALLEINA'S POV

Hila-hila ako ni Thaddeus papunta sa kung saan. Naka-uniform siya ng pang-football. Wala akong magawa kung 'di magpatangay na lang sa kaniya. Binantaan niya ako kanina na kapag hindi raw ako sumama ng kusa bubuhatin niya ako. Takot ko na lang magkaroon ng scandal.

Patungo kami sa kung saan ang football court. Alam ba niyang hindi ko gusto ang sport na football? Sa lahat ng sport ayan na yata ang pinaka-hindi ko gusto. Ang dami ko kasing nakikita na napipilayan tapos nadi-disgrasya sa larong 'yan. Naalala ko nanood ako ng ganiyan before sa TV tapos nagkamali 'yon player parang nabalian yata siya ng binti. Ang creepy kaya sabi ko hindi na talaga ako manonood ng gano'ng laro.

“Diyan ka.” Pina-puwesto niya ako kung nasaan ang mga gamit niya. May bubong din sa puwesto ko.

“Anong gagawin ko rito?” Tanong ko sa kaniya.

“Manonood sa akin. Panoorin mo practice namin, hihi! Gusto kong makitang nanonood ka, babe.” Pinisil niya ng mahina ang pisngi ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Sa hindi kalayuan, natanaw ko si Colleen na masama ang titig sa akin. Akala mo nilalamon na ako sa isip niya. Bahala ka sa buhay mo. Mamatay ka lang sa inggit hangga't gusto mo.

Isa-isang nagdatingan ang mga ka-team ni Thaddeus. Galing sila sa sarili nilang bihisan.  Ang gu-guwapo nila sa mga suot nila pero hindi naman maikakaila na mas nangingibabaw si Thaddeus. Magalang silang bumati kay Thaddeus tapos tumingin sa akin. Masaya nila akong binati. Akala mo close na kaming lahat kung maka-hi at hello sila. Na-ilang tuloy ako bigla sa paraan ng pagtrato nila. Alam kong magkakasama lang kami kahapon pero hindi pa ako gano'n ka-komportable.

“Mabuti na lang nandiyan ka, Miss Mattias. May inspiration na si Kap sa paglalaro ngayon!”

“Oo nga! At saka, salamat din sa'yo kasi hindi na sobrang strict sa amin si Kap!”

Tumawa silang lahat. Tinignan ko si Thaddeus na kumakamot ng kaniyang ulo. May halong ilang ang titig niya sa akin.

“I always said na that's for your own good!” Depensa niya. He pouted his lips.

“Bakit naman kasi sobrang strict mo?” Pagsakay ko sa kalokohan ng nga member niya. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin.

“Babe!”

“Kaya nga, Miss! Alam mo bang grabe siya magpa-stretching?!”

“Hindi lang 'yan! Parang pipilayan na niya kami sa sobrang dami ng kick na ginagawa namin!”

“Enough!” Saway niya sa mga ito.

“Grabe ka naman sa kanila,” na-aawa kunwaring sabi ko. Umiling-iling ako para mas maging convincing ang arte ko.

“Ih! Damn it! Am I wrong?” He asked me. I shrugged my shoulder.

Sinamaan niya ng titig ang kaniyang mga ka-team. Umigting ang kaniyang panga. Tumingin siya sa akin ngunit isang maikling titig lang ang binigay ko sa kaniya tapos tumingin ulit sa mga kasamahan niya. Mabigla ako ng takpan niya ang mata ko. Pilit ko itong inaalis pero madiin ang pagkakatakip niya. Hindi naman ako nasasaktan pero madilim.

Malamang nakatakip nga. Tanga lang, self?

“Stop starring at them, babe!” Madiin na sabi niya sa akin. “100 push up, now!” Utos niya sa mga ito.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon