CHAPTER 1

4K 199 36
                                    

HALLIENIA'S POV

Naglalakad kami ng kaibigan ko patungo sa sinabi ng mother ko na lugar. Ang babaeng desperada, kahit sa gayuma kakapit! Dinawit ako ang kaibigan ko para may kasama akong makukulong if ever na illegal ang paggamit ng gayuma sa crush mo. Aba, utak lang ang ginamit ko.

“Nia, sure ka ba na gagawin mo 'yon kay Fire?” May halong pag-aalalang tanong niya sa akin.

“Mukha ba akong nagbibiro? Desperada na ako, Shai! Ilang taon ko ng gusto 'yong tao tapos ma-uuwi lang sa nerd na 'yon?! Hell no!” I almost explain.

Hinampas niya ang braso ko. “Hinaan mo nga 'yang boses mo! Ang daming nakakarinig sa'yo!” Saway niya. “Ang akin lang naman, bakit kailangan mo pang umabot sa puntong gagayumahin mo si Fire? P'wede mo namang sabihin na lang ulit sa kaniya 'yong—”

I cut her off. “Stop! Stop your nonsense suggestions! Ilang beses na akong umamin sa bugok na 'yon pero hindi ako pinansin. Gayuma is only the key para ako naman ang gawin niyang mundo. Sawang-sawa na akong maging buntot niya, hmp!” Sumiring ako.

“Legit ba 'yang sinabi ng mommy mo na witch?”

I nodded. “Hindi naman magre-recommend ang mommy kung hindi legit kaya tayo na!” Hinawakan ko ang kamay niya.

Patakbo naming tinungo ang daan papuntang kotse ko. College student na ako kaya p'wede na akong mag-drive. I am 3rd year college. Taking the course of Bachelor of secondary education major in gayuma este Science. Pero, imbis na mag-seryoso ako sa pag-aaral ko, mas nagse-seryoso ako sa paghahanap ng paraan para mapansin ako ni Fire.

Sino nga ba si Fire? Simpleng tao lang naman siya. Siya lang naman ang vice president ng supreme student government. Valedictorian palagi at team captain ng basketball. Maganda ang boses niya, vocalist siya ng banda sa university namin. Dancer din siya at model. Hindi ba? Napaka-simpleng tao niya. 'Yong tipong mapapanganga ka na lang kapag dumaan siya sa harap mo. Lalo na kapag basang-basa sa pawis ang kaniyang katawan?

Ugh, so hot!

Kaya hindi ko sasayangin ang likha ng Diyos na gaya niya. Sabi ko nga, akin siya. Walang p'wedeng umagaw sa kaniya kung ayaw makulam. First come, first serve talaga dapat kaso may babaeng chipay na dumating sa buhay niya. No'ng nakaraan lang nag-confess siya kay Shiera na crush niya ito. Umiyak ako no'n. Na-ubos ko lahat ng makunat na turon sa canteen namin sa sobrang broken ko. Para akong pinagtaksilan ng langit at lupa. Parang ayaw na ipagkaloob ng langit na magkaroon ako ng asawa. Si Fire lang naman ang gusto kong asawa. Bukod sa kaniya? Wala ng iba. Kahit mamatay pa ang mga lalaking nanliligaw sa akin, wala akong pake!

----

“Bes, sure ka ba na ito talaga 'yong lugar? Bakit parang tirahan 'to ng pulubi?”

Binatukan ko siya. “Laitera ka! Mamaya kulamin ka ng mangkukulam na 'yon tapos bigyan ka ng malapad na ilong, ewan ko na lang sa'yo!” Banta ko. Tinakpan niya ang bibig niya at mahinang nag-sorry.

Uto-uto!

Pumasok kami sa isang madilim na iskinita. Nang makapasok kami, hinanap ko ang sinasabi ni mommy na kulay pulang kurtina. Syempre nakita ko rin agad. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Binuksan ko agad ito. Tumambad sa amin ang kulay pulang paligid. May kung ano-anong hindi ko maintindihang gamit ang nakapatong sa mga stante. Sa gitna, may table na kung saan may mga kandila, tarot, at bungo. Medyo creepy pero kebs lang 'to.

“Alam ko bakit kayo nandito!”

“AY PUKE MO NANDITO!” Sigaw ko. “Ano ba?! H'wag ka ngang manggulat!” Inis kong tinignan ang matandang na sa harapan ko ngayon. Mahahaba ang kaniyang kuko. Mukha siyang bruha. Naka-itim siya at napakagulo ng kaniyang buhok. Magulo pa yata sa takbo ng buhay ko.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon