CHAPTER 10

1.9K 122 24
                                    

HALLEINA'S POV

Ngayon ang unang araw ng itrams. Halos lahat ng player busy sa paghahanda. Ang alam ko kapag nanalo ng champion sila ang lalaban sa provincial. Taray, may pa-ganon ang school namin. Sagana sa activity, kulang naman sa turo. Nagsasabi lang ako ng totoo. Talagang kulang sa turo ang pinapasukan ko ngayong school pero kapag mga activities na magpapataas sa reputation ng school talagang game na game sila.

Hinanap ng mata ko si Fire. Gusto kong alamin ang schedule ng laro nila pero walang nakapaskil. Dapat nandoon ako as supporter. Kailangan kong ipakita ang full support ko sa kaniya. Hindi yata ako papayag na puro na lang si Shiera ang kumukuha ng opportunity 'no! Sayang naman ang ganda ko.

"Saan ka manonood?" Tanong sa akin ni Shai.

"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre naman sa laro nila Fire!" Malakas na sagot ko.

"Gaga! Hindi mo man lang ba panonoorin ang laro ni Thaddeus?"

"Kailangan ba?" Wala naman siyang sinabi na panoorin ko.

Kinurot ako ng malakas ni Bekay sa tagiliran. "Malamang! Ikaw ang girlfriend niya!" Asik niya.

Napangiwi ako sa sakit. "Correction lang, ha. Bigla niya lang akong naging girlfriend pero hindi niya talaga ako girlfriend!" Um-erap ako. "At saka, andoon naman si Colleen. Kaya na niya 'yon. Basta ako dito ako su-support kay bebe Fire ko!" Kinikilig na ani ko.

"Wala na 'to! Mapanakit ka!"

"True! Hindi man lang i-consider 'yong mararamdaman ng isa!"

"Kawawang Thaddeus ginawa lang pampalipas oras ni Halleina."

Galit ko silang nilingon. "Kung gusto niyong manood sa laro niya! Kayo na lang!" Hinampas ko ang desk ko sabay tumayo.

Bakit ba nila ako pinipilit na panoorin ang laro ng lalaking 'yon?! Kinalaman ko sa kaniya. Ang dami naman niyang fans. At saka, hindi naman talaga niya ako girlfriend. Kailan man hindi niya ako magiging girlfriend.

Padabog ang aking lakad. Masama talaga ang loob ko sa mga kaibigan ko. Simula ng dumating si Thaddeus palagi na nilang kinakampihan ito. Kahit sinasabi ko sa kanilang ayaw kong sumama kay Thaddeus, ayaw kong tumabi kay Thaddeus, wala silang pake. Tinutulak pa nila ako sa lalaking 'yon. Parang mga hindi kaibigan. Alam naman nila na gusto ko si Fire. At dahil gusto ko si Fire ibig sabihin wala ng puwang sa puso ko ang lalaking 'yon! Ilang taon na akong may gusto sa kapatid niya. Wala na akong balak baguhin ang nararamdaman ko dahil lang sa maayos ma trato niya sa akin na hindi naman totoo. Gayuma lang iyon! Lahat ng pinapakita niya, gayuma lang!

Napahinto ako sa paglalakad ng bumangga ako sa matigas na bagay. Nag-bounce ako at muntik matumba ngunit agad ding may humapit sa baywang ko. Hawak-hawak ko ang noo ko na napatingin sa kaniya.

"Tingin sa daanan, babe." In-erapan ko siya. Tumayo ako ng maayos sabay inalis ang kamay niya.

Humalukipkip ako at mataray na hinarap siya. "Ano na namang kailangan mo?" Pagtataray ko.

"Ang sungit naman ng girlfriend ko." Sinamaan ko siya ng tingin. "Nandito lang naman ako, babe para yayain ka manood ng laro ng kapatid ko. Let's support him, okay lang ba sa'yo?"

"Oo naman! Actually, doon nga ang punta ko!" Mabilis na sagot ko.

"Then, let's go!" Hinawakan niya ako sabay hila sa akin pababa ng hagdan.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon